INAPRUBAHAN na ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na P2 bilyon para pondohan ang dalawang lending program para sa batang entrepreneurs upang magsimula ng kanilang sariling agricultural enterprise.

Sa inilabas na pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar kabilang sa mga programang iiimplementa ng DA sa pamamagitan ng Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang Young Agripreneurs Loan Program (YALP), at Micro and Small Agribusiness Loan Program (MSALP) — na may inisyal na pondo na P1 billion.

“This is our way to attract the younger generation of Filipinos to be key players in attaining our vision of a food-secure Philippines with prosperous farmers and fishers,” pahayag ni Dar.

“We have to replace aging farmers with younger blood — our Pinoy millennials — who are the future of Philippine agriculture,”dagdag pa niya.

Sa ilalim ng YALP, maaaring makakuha ng loan ang mga graduates ng agri-fishery at young hobbyists na nasa edad 18 hanggang 30-anyos. Maaari silang humiram ng pondo hanggang P500,000, na walang interes at maaaring bayaran sa loob ng limang taon.

Para naman sa MSALP, maaaring humiram ng kapital ang mga agripreneurs ng hanggang P300,000 hanggang P15 million, para sa micro at small enterprises.

Kapwa ilulunsad ang dalawang programa sa pagtatapos ng Enero.

“This has been one of my advocacies. Let us give our Filipino millennials the means to be part of our journey towards agricultural modernization and industrialization,” ani Dar.

PNA