SA tuwing dumadalo kami ng mediacon/presscon ay pasimple naming tinitingnan mula ulo hanggang paa ang mga artistang dumadalo at sa tuwing si Liza Soberano ang pinapa-interview ay talagang napapatitig kami dahil gandang-ganda kami sa batang ito simula pa noong ipakilala siyang una bilang isa sa Star Magic Circle 2013.

Enrique Gil and Liza Soberano

Iisa ang nasabi ng lahat ng dumalo noon sa launching ng mga bagong mukha sa launching, si Liza ang aangat sa lahat at pagkalipas nang halos pitong taon ay heto, sikat na sikat na si Hope Elizabeth.

Sa ginanap na mediacon ng bagong teleserye nila ni Enrique Gil na Make it with You na mapapanood na sa Lunes, Enero 13 ay muli na naman napahanga ng aktres ang lahat dahil mas lalo siyang gumanda sa bago niyang itsurang kulut-kulutan ang buhok na may kulay, base sa karakter niya na si Billy.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya maraming nagsasabing subukang sumali ni Liza sa beauty contest. Pero ang manager niyang si Ogie Diaz ang nagsabing hindi na siguro muna ngayon dahil abala pa ang dalaga sa showbiz career niya dahil kapag sumali ay mahabang panahon ang gugulin nito para paghandaan ito. Oo nga naman.

Anyway, isa rin si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa nagsabi na malaki ang potensyal ni Liza na maging Miss Universe kung sasali siya at dapat nasa puso nito ang pagsali.

Hiningan naman ng reaksyon ang aktres dito.

“Well of course it’s flattering coming from Miss Universe herself and of course ate Pia (Wurtzbach) was also very supportive of me on that matter, (but) I don’t want to say that I’m completely closing the doors but I honestly don’t see it in my career path because I am very passionate about acting and I feel like being a beauty queen takes a lot of time and I have to prepare physically, I have to prepare my walk, because I am not a beauty queen. I mean it requires a lot of training and I don’t think kaya kong mapalayo sa acting that long.

“I won’t say that (sinasara ang pintuan) because we’re humans and we change our minds every now and then,” pahayag ng dalaga.

Nang hingan naman ng komento si Enrique kung okay sa kanyang sumali ang dalaga sa beauty contest.

“I would make jokes and tell her na you know why don’t you join, you’re still my Miss Universe but she really doesn’t feel it inside her kasi gusto ko siyempre genuinely she really wants it and I do think it’s not really for everyone but who knows, di ba? Maybe, maybe not, it really depends,” nakangiting saad ng aktor.

Samantala, hiningan din ng pahayag sina Enrique at Liza tungkol sa lagay ng ABS-CBN na magtatapos na sa Marso 2020. Naunang nagpahayag si Sharon Cuneta ng kanyang saloobin para kay Presidente Rodrigo R. Duterte.

“I believe he is understanding and alam niya namang maraming maapektuhan. It’s not just the company itself but all the employees and I’m sure he has a generous heart and understanding heart, so I hope he wakes up one morning and he thinks about it again and maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” seryosong pahayag ng dalaga.

Say naman ni Enrique, “Ang iniisip ko lang ang ‘yung may mabababang posisyon. You know I don’t know what to say minsan. Siyempre nasasaktan din ako na there is a possibility na hindi matuloy. (This is the company) we grew up. I’ve been here for a long time but I don’t know. I just hope for the best.”

Abangan sa Lunes, Enero 13 ang Make it with You nina Liza at Enrique kasama sina Ian Veneracion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang, Vangie Labalan, at Herbert Bautista. Join din ang mga bagong mukha na sina Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, at Daniela Stranner mula sa direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at sa panulat ni Mark Angos.

-REGGEE BONOAN