NAPAKAGANDA ng pasok ng 2020 para kay Aga Muhlach. Opisyal na inihayag (bagama’t walang figures na ibinigay ang MMFF committee) ang pagiging topgrosser ng Miracle In Cell No.7 na ang bida ay walang iba kundi siya.

Aga

Sa panayam sa aktor sa Tonight With Boy Abunda ay nag-uumapaw ang kaligayahan at taos puso niyang pinasalamatan ang mga sumuporta sa Miracle which is on extended run sa maraming sinehan. Kung ang libu-libong nakanood ng Pinoy adaptation ng Korean movie ang tatanungin ay walang dudang si Aga ang more deserving to win the award as best actor. Ang award ay ibinigay kay Allen Dizon na halos sa kalahatian ng pelikulang Mindanao lumitaw.

Ano ang masasabi ni Aga for not wining the award? “In all the years of being an actor ay isang bagay ang natutunan ko specially on Awards Night. I learned not to expect. Whenever i do a project i never entertain the thought. What is important ay magawa kong tama ang project at siguraduhing hindi ako mapapahiya sa manonood. I want them to leave the theater na nasisiyahan. Masaya ako kung sino man ang manalo during Awards Night. I know how it feels being a winner at gusto kong maramdaman niya ito”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

For the record ay meron ng thirteen trophies na natamo ni Aga from Award Giving Bodies. Ang Viva produced movie ay magkakaroon ng international screenings sa maraming bansa kabilang na ang Vancouver, Australia. Singapore at Brunei at America.

-REMY UMEREZ