BAGO natapos ang A Mega Celebration presscon ni Sharon Cuneta nitong Huwebes nang tanghali sa 9501 Restaurant, ELJ Building ay nanawagan siya kay Presidente Rodrigo R. Duterte na sana re-evaluate ang desisyon nito sa prangkisa ng ABS-CBN.

sharon1

Magtatapos ang prangkisa ng TV network sa Marso 30, 2020, at mahigit dalawang buwan na lang ang natitira.

Aniya, “I’ll just say this before saying goodbye. I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

“Not just because I just renewed, I can always find a job. But everybody I grew up with here who have remained loyal to the station and have grown up here, have learned from the school of hard rocks here, have become family, good friends—will lose almost everything they’ve built over the years.

“And even those that might choose to stay if indeed, you know, unfortunately goes that way, it won’t be the same.

“So, I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousands and thousands of employees who have grown up here, learned the ropes here, that includes me.”

Sa sinabing ito ng Megastar ay masigabong palakpakan ang ibinigay sa kanya ng lahat ng dumalo sa presscon kasabay na rin ng mga empleyadong naroon lalo na ang bumubuo ng reality show na Your Face Sounds Familiar na nag-renew siya ng kontrata bilang isa sa hurado kasama nina Gary Valenciano, Jed Madela at Ogie Alcasid.

Ikinuwento pa ni Sharon na 31 years na siya sa Kapamilya network at lahat ng mga nakasabayan niya noong mga baguhang empleyado ay kasama pa rin niya ngayon at pawang mga boss na ngayon.

“I am proudest of all, kasi lumaki na ako dito. So, ‘yung mga nakasama kong mas bata sa akin, ka-edad ko noon, mga boss na ngayon.

“But a lot of them would still call me Inay. Everybody, they have good positions here, but when I’m here, it’s like old times.

“Thank you me for welcoming me, along with ABS-CBN, here to my home that I am so proud to say I was already a part of when we didn’t have this building yet.

“And my dressing room was Ma’am Charo’s office which was already dilapidated and falling down before the renovations. And I’m so proud how far we have come. Thank you,”nakangiting pahayag ni Shawie.

Samantala, habang ginaganap ang presscon ay hiningan si Sharon ng komento tungkol sa pinost niyang mahabang mensahe para sa panganay na si KC Concepcion na lumabas dito sa Balita kahapon.

“Actually, very honest I have to tell you social media is not really a right platform or a good platform to express your personal feelings if you’re a public figure, but I was force to because the greeting that my daughter (KC) made with parang explanation of her absence in my birthday celebration in ASAP (nitong Linggo) was posted on social media.

“Like my post, I didn’t get naman a personal message. It’s not like her, so nag-aalala ako, siyempre nanay ako, eh. So, I think it’s normal lang sa mag-ina na merong mga panahong ganyan. I’m worried lang kasi I don’t know what she’s going through.

“I know she’s going to get in touch soon, but I missed her kasi for the first time wala siya. Una, late siya nu’ng Christmas eve, tapos wala siyang Christmas lunch tapos talagang wala siya nu’ng New Year’s eve at New Year’s day at pinaka-masakit wala akong ideya kung nasaan siya noong birthday ko.

“I said that all in my Instagram post, I really don’t want to repeat that it all boils down to a mother missing her daughter, that’s all,” paliwanag ni Megastar.

Pagkatapos ng presscon ay itinuloy ng entertainment press, online writers at bloggers ang pagtatanong kay Sharon sa pagkaka-link ng anak kay Apl de Ap na miyembro ng grupong Black Eyed Peas.

Nasulat namin dito sa Balita na posibleng ang international singer ang dahilan ng hindi pagkaka-unawaan ng mag-inang Sharon at KC.

Pero wala palang alam ang nanay ni Kristina Cassandra dahil nagulat siya sa narinig.

“What do you mean? Again, again, again. No, no, no. Can you ask me the question straight?” balik-tanong ni Sharon.

At saka diretsong sabi ni Sharon na wala siyang alam pero respetado niya si Apl de Ap.

“But, I have a lot of respect for Apl de Ap, “See? I don’t know what’s happening to my daughter in her life, that’s a surprise to me, so I don’t know what to say.

“But I have a lot of respect for Apl. He’s a good person. I just wish I heard it from her if it’s true,” esplika ng nanay ni KC.

Hayan, KC kung nasaan ka man, makipag-communicate ka sa mama mo dahil labis-labis ang pag-aalala niya.

-Reggee Bonoan