INILABAS ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 ang line-up ng national pool napagpipilian para isabak sa 2020 FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament sa India.
Ayon kayleague owner Ronald Mascarinas, ang national pool ay binubuo ng top 10 3x3 players sa bansa. Batay sa FIBA 3x3 rules, apat sa anim na players na isasabak ay kailangang nasa top 10 ranking ng bansa.
Nangunguna sa pool sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.
Kasama rin sa lineup sina Dylan Ababou, Karl Dehesa, Leonard Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Jaypee Belencion, Leo De Vera, at Ryan Monteclaro.
Puspusan ang pagsasanay ng koponan mula pa nitong Disyembre, sa pangangasiwa ninaChooks-to- Go Pilipinas 3x3 commissioner Eric Altamirano, Liman Ace at head coach Stefan Stojacic, Serbian strength and conditioning coach Darko Krsman.
Tumutulong din sina Troy Rike at Franky Johnson.
“Our players have been training non-stop since November, giving just a few days of break during the holidays,” pahayag ni Mascariñas. “This is our last shot at the Olympics that is why we are going all out for this.”
Ang OQT ay nakatakda sa Marso 18 sa India. Ang mangungunang tatlong koponan sa torneo ay makakasikwat ng slots sa 2020 Tokyo Olympics