ANG pinakahihintay na 2nd Chairman Cesar C. Dionisio Chess Cup ay susulong sa Enero 18 sa Bgy. Ramon Magsaysay Hall Covered Court sa Edsa Munoz (LRT1 Roosevelt Station) sa Bago Bantay, Quezon City.

Pangungunahan ni Chairman Cesar C. Dionisio ang pagsasagawa ng ceremonial moves kasama sina event organizer Mr. Fernan Rosauro at Chief Arbiter Boyet Tardecilla.

Ang kambal na torneo ay ilalarga sa pakikipagtulungan ng Chess Education for Age_Group (CEFAG) at affliated sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) kung saan nakataya ang P4,000 plus trophy sa magkakampeon sa non-master (1900 limit rating) division habang mayP1,000 plus trophy ang nakalaan naman sa maghahari sa kiddies 12 years old and below (1900 limit rating) .

Sa mga nagnanais na lumahok,makipag-ugnayan kina Mr. Fernan Rosauro (0916-5768 738) at NA Boyet Tardecilla (0917-1435 999)

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference