BAWAT isa ay bumabati ng happy New Year sa pagpasok ng 2020. Malaki ang kasiya-han ng bawat isa at nariyan din ang malaking pag-asa ng mas magandang buhay sa hi-naharap. Siyempre, ang mga kaganapang ito ay paulit-ulit nang nangyayari sa bawat pagpasok ng taon.
Gayunman, sa kabila ng optimismo, ang mga kaganapan naganap nitong mga na-karaang araw ay may bitbit na babala na kung hindi maaagapan, ay maaaring lumikha ng matinding socio-economic tension na maaaring magresulta sa ating kinatatakutan. Nitong Enero 3, pinaslang ng U.Ssi Maj. Gen. Qassim Suleimani, ang kinikilalang ‘mili-tary genius,’ ng Iran. Isang American precision drone ang naghatid ng kamatayan nito.
Malaki at halo-halo ang komplikasyong nilikha ng pangyayaring ito at ang implikasyon nito ay higit na ramdam para sa ating mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa labas ng Iran, na base sa tala ng mga opisyal ng ahensiya, ay umaabot sa apat na milyon. Madali man, ang paglikas sa mga ito patungo sa mga bansa sa Gitnang Silangan na kaibigan ng mga Amerikano ay gugugol ng malaking halaga.
Higit pa sa Middle East, gayunman, ang krisis sa Iran ay maaari pang lumawak kung hindi tatanggapin ng United States ang kritikal na diplomatikong lapit na magpa-pahupa sa galit ng Iran. At bagamat maresolba ang bahagi ng isyung ito, ang epekto nitong maidudulot sa mga Pilipinong nakadepende sa kanilang kabuhayan sa USat sa Middle East ay maaaring sumira sa matatag nating ekonomiya na unti-unti nating nai-tayo gamit ang taunang remittances na ipinadadala ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa bansa.
Mas malaking epekto nito ay makikita sa pagtaas ng kawalan ng trabaho sa bansa, na magdudulot ng illegal recruitment, human trafficking, prostitution, slave labor, deaths, at iba pang isyu na ilang dekada nang nagbibigay pangamba sa ating mga mangga-gawa abroad.
Gayunman, mananatiling isa sa dalawang pinakamalaking isyu na dapat ikabahala kung lalala ang gulo ay kung paano natin mabilis na maililikas ang daang libong mga Pilipino nang walang tulong mula sa ibang mga bansa na kaalyado ng US. Ang paghingi ng tulong sa mga Amerikano at mga taga-Gitnang Silangan na kilala sa kanilang pagkontra sa Iran ay walang dudang lilikha ng galit sa mga Teheran at maaar-ing magresulta sa mas madugong aksiyon.
Bukod sa pangunahing isyu na posibleng kaharapin ng Pilipinas sakaling lumala ang tensyon, ay ang pagharang sa 39-km Hormuz Strait kung saan karamihan ng langis ng mundo at liquefied natural gas production ay idinadaan. Ang posibilidad na ito, ay maaaring magdulot ng matinding epekto sa mundo at malamang na pagsiklaban ng pandaigdigang sigalot.
Ang tensyon na nalikha ng krisis sa Iran ay unti-unti nang nararamdaman ng pamaha-laan. Bagamat nasa 1,600 lamang ang Pilipinong naninirahan sa Iran, ang reaksiyon ni-tong itinataas para sa mga bansang kaalyado ng Teheran ay hindi pa natitiyak. Malala rito, ipinag-uutos na ng successor ni Gen. Suleimani, ang “order of the Ayatollah,” na walang ibang gusto, kundi paghihiganti.
-Johnny Dayang