Masayang ibinalita ng Quezon City Government, ang host ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na extended ang pagsusumite ng finished films hanggang Pebrero 15 na dapat sana ay sa Enero 31.

Dahil sa multiple requests mula sa iba’t ibang sectors sa industriya ay pumayag ang MMFF na i-extend ang deadline for submission ng finished film entries para sa Full-Length Category.

Sa Student Short Film Competition para sa Summer Festival film deadline of submissions ay sa Pebrero 28 and the festival theme ay Pinoy Pride.

Ayon pa, ‘yung mga pelikulang hindi napasama sa MMFF2019 ay puwedeng isali sa Summer MMFF basta’t magpadala lang ng letter of intent at hindi na kailangang magbayad ng entry fee.

Tsika at Intriga

'Kung sino-sino lang kasi nakaupo sa Pinas eh!' John Manalo, inokray glass walkway sa Benguet

Ang mga bagong sasali ay magsusumite ng finished film on or before January 31 at ang babayarang entry fee ay Php30,000 na tinawag na early birds. Pero kung sa Pebrero 1-15 ka na magsusumite ay Php50,000 na ang babayarang entry fee.

Tulad din ng MMFF tuwing Disyembre ay 8 entries din ang pipiliin para sa 1st Summer MMFF.

Ang Parada ng mga Bituin ay nakatakda sa Abril 5, Palm Sunday. Gaganapin ang festival simula Abril 11, Black Saturday, hanggang Abril 21, Martes, bale 11 days itong tatakbo.

Ang Gabi ng Parangal ay nakatakda sa Abril 15, Miyerkules at ang target gross sales ay Php500M ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

“We’re not expecting billions dito. Kahit kalahati lang, malaking tulong na ito sa movie industry,” saad ni Mr. Garcia.

-Reggee Bonoan