Maraming nagulat nang maungusan ng pelikulang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach ang The Mall The Merrier ni Vice Ganda ngayong Metro Manila Film Festival 2019 dahil pitong taon o mahigit na hawak ng TV host ang titulo.

MMDA officials AGA AT ZIA

Matatandaang si Vic Sotto dati ang Hari tuwing MMFF pero nu’ng sumali na si Vice ay nadaig na siya nito at tulad nga ng sinabi ng Eat Bulaga host ay graduate na siya sa kumpetisyon, ang hangad na lang niya ay magpasaya ng tao.

Base sa pahayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim nitong Miyerkules ng hapon sa pocket presscon sa opisina ng MMDAsa Orense Street, Makati City, ang Top 4 MMFF 2019 official entries base sa gross sales receipts in alphabetical order ay ang:

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Miracle in Cell No. 7 – Viva Films

Mission Unstapabol: The Don Identity – MZET at APT Entertainment

M & M: The Mall The Merrier – Star Cinema at Viva Films

3Pol Trobol: Huli Ka Balbon – CCM Productions

Hindi sinabi ni Chairman Lim kung magkano ang kinita ng bawat pelikulang nasa top 4 at choice na raw iyon ng bawat producer kung iaanunsiyo nila ito.

Umabot sa P955 million ang total gross sales ng walong pelikulang kasali sa 45th Metro Manila Film Festival na tumagal ng dalawang linggo sa sinehan, mula Disyembre 25, 2019 hanggang Enero 7, 2020.

“Iyong nakaraang MMFF natin ay matagumpay kahit na ito ay naapektuhan ng sunud-sunod na lindol na nangyari sa Mindanao, at iyong bagyo ng dumaan sa Visayas and some parts of Luzon,” ani Lim.

“Pero maganda pa rin iyong nakita natin iyong suporta ng ating mga kababayan sa pelikulang Pilipino. So, iyong total gross sales natin for the 2019 film festival ay mahigit P955-M.

“It’s only 4.5 percent short of the target natin na PHP1B. Lower than last year’s PHP1.06B. Maganda iyong resulta ng ating 2019,” aniya pa.

-REGGEE BONOAN