SINIMULAN ng Far Eastern University ang kampanya para sa makasaysayang 10th sunod na UAAP High School Boys Football championship sa dominanteng 6-0 panalo sa University of Santo Tomas nitong Miyerkoles sa Rizal Memorial Stadium.

Sinimulan ni Edmar Adonis ang atake ng Baby Tamaraw tungo sa one-sided win na nagpatibay sa kanilang katayuan bilang pinakamaangas na junior footballes sa collegiate league.

“Actually, it is not about the nine-peat or ten-peat, They just have to be humble and I want them to improve their quality of football,” pahayag ni head coach Park Bobae.

Naitala ni Adonis ang goal sa ika-11 minuto ng laro at sinundan matapos ang apat na minuto bago humirit si Josh Laurens sa pagtatapos ng first period. Sa second half, tuluyang naibaon ng FEU ang UST sa pamamagitan nina Stephen Soria, Karl Absalon, at Andrei Sabejon.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa ikalawang laro, naitala ng Ateneo High Schoolang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang last year’s runner-up National University-Nazareth School, 1-0.

Naisalpak ni Enzo Lucindo sa ika-35 minuto ang tanging goal sa laro.

Target ng Ateneo na madugtungan ang panalo sa pakikipagtuos sa De La Salle-Zobel ganap na 1:30 ng hapon sa Linggo. Maghaharap naman ang FEU at National University ganap na 4:00 ng hapon sa FEU Diliman Football Field.