BINUHAY ng Cebu-Casino Ethyl Alcohol ang sisinghap-singhap na kampanya sa playoff nang pabagsakin ang Quezon City-WEMSAP, 95-89, nitong Miyerkoles sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Umusad ang Sharks sa 11-12 karta para makopo ang No.9 spot, sa likod ng Bicol-LCC Stores (13-12).
Mula sa anim na puntos na bentahe, napalawig ng Cebu ang kalamangan sa mainit na 11-4 scoring run para sa 93-80 abante may 2:16 ang nalalabi sa final period.
“Sinabihan ko lang yung players ko nung halftime na huwag maging kumpyansa, mabuti naman nakarecover sila nung fourth quarter nung humabol na ang Quezon City,” pahayag ni Sharks head coach Noynoy Falcasantos.
Nanguna sina Will McAloney at Fletcher Galvez sa natipang tig-17 puntos sa Cebu.
Hataw si Joco Tayongtong na may 23 puntos para sa Quezon City, bumagsak sa No.11 sa North division (10-16).
Nahila naman ng Bacoor City ang winning streak sa limang laro nang gapiin ang Marikina, 100-88.
Ratsada si Michael Cañete sa naiskor na 19 puntos, 12 rebounds, tatlong assists, at tatlong blocks para patatagin ang kapit ng Strikers sa No.2 sa Southern division tangan ang 20-5 marka.
“Coming off a long break, it’s hard to play the same way we were playing last time. We had good stretches but Marikina was so tough and came to compete tonight,” sambit ni Bacoor coach Chris Gavina.
Nag-ambag sina Michael Mabulac at RJ Ramirez ng 14 at 13 puntos,a yon sa pagkakasunod.
Giniba naman ng GenSan-Burlington ang Pasay, 76-69.
Iskor:
(Unang Laro)
Cebu-Casino Ethyl Alcohol (95) - McAloney 17, Galvez 17, Saycon 9, Octobre 9, Lee Yu 9, Cortez 7, Huang 7, Coronel 6, Nuñez 6, Viloria 3, Lao 1, Cenita 0.
Quezon City-WEMSAP (89) - Tayongtong 23, Caranguian 16, Olayon 14, Derige 13, Costelo 7, Mabayo 7, Castro 5, Gadon 4, Medina 0, Barua 0, Atabay 0.
Quarterscores: 25-17, 47-36, 67-61, 95-89.
(Ikalawang Laro)
Bacoor City (100) - Cañete 19, Mabulac 14, Ramirez 13, Banal 9, Ochea 8, Sumalinog 8, Montuano 8, Demusis 6, Melecio 6, Andaya 4, Acidre 3, Aquino 2, Acuña 0.
Marikina (88) - Sazon 35, Ular 21, Española 12, Tambeling 8, Casajeros 5, Pascual 3, Mendoza 2, De Chavez 2, Fortuno 0, Ginez 2, Ybanez 0, Padua 0, Ordonez 0, Dysam 0.
Quarterscores: 27-20, 56-42, 77-66, 100-88.
(Ikatlong Laro)
GenSan-Burlington (76) - Raymundo 23, Celiz 17, Masaglang 7, Goloran 7, Landicho 6, Carlos 6, Cinco 3, Cabanag 2, Mahaling 2, Baltazar 2, Orbeta 1, Basco 0.
Pasay (69) - Lastimosa 16, Iñigo 14, Jamon 12, Chan 7, Moradas 6, Reverente 6, Ilagan 4, Opiso 2, Pasia 2, Vitug 0, Belencion 0.
Quarterscores: 9-21, 33-40, 58-55, 76-69.