SAN FRANCISCO (AP) — Napatunayan ni Giannis Antetokounmpo at ng nangungunang Milwaukee Bucks na hindi madaling pasukuin ang palabang Warriors.

giannis

Pinagpawisan ng todo ang tinaguriang ‘Greek Freak’ sa naiskor na 30 puntos at 12 rebounds para pangunahan ang NBA best record (33-6) Milwaukee sa pahirapang 107-98 panalo sa batang line-up ng Golden State Warriors nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Nag-ambag si Khris Middleton ng 21 puntos, pitong rebounds at anim na assists para sandigan ang Bucks sa panalo at makabawi sa nakadidismayang 126-104 na kabiguan sa San Antonio nitong Martes na pumutol sa kanilang five-game winning streak.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanguna si Alec Burks sa Warriors na may 19 puntos, habang kumana sina Glenn Robinson III at Damion Lee ng tig-15 puntos sa Warriors, nabigo sa ikaanim na sunod, kabilang ang tatlo sa home game, Nag-ambag siWillie Cauley-Stein ng 10 puntos at 11 rebounds.

Nagbalik aksiyon si Draymond Green – nalalabing malusog na Warriors mula sa koponang nagdomina sa liga sa nakalipas na limang season – mula sa natamong sprained sa kanang paa at umiskor ng limang puntos, walong rebounds at walong assists.

JAZZ 128, KNICKS 104

Sa Salt Lake City, naitala ni Emmanuel Mudiay ang season-high 20 puntos laban sa dating koponan, habang tumipa si Rudy Gobert ng 16 puntos at 16 rebounds sa dominanteng 128-104 panalo ng Utah Jazz laban sa New York Knicks.

Kumana si Mudiay, na-trade sa Jazz nitong summer matapos ang kampanya sa New York, ng 8 of 12 shots at apat na assists.

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 20 puntos at kumana si Donovan Mitchell sa free th Nanguna sa New York si Frank Ntilikina na may 16 untos.at tumipa si Bobby Portis ng 13 puntos at 3 rebounds for New York.

The Jazz are making the most of a soft stretch of the schedule where most opponents are under .500, but none have been quite as hapless as the current Knicks.

PELICANS 123, BULLS 108

Sa New Orleans, nagsalansan si Brandon Ingram sa nakubrang 29 puntos, 11 assists and eight rebounds, sa Pelicns ,. 123-108, habang sadsad ang Bulls.

Naisalpak ni JJ Redick ang anim na three-pointers para sa kabuaang 24 puntos at kumana si rookie Jaxson Hayes na may 14 puntos at 12 rebounds.

Nanguna sa Bulls si Zach LaVine na kumubra ng 32 puntos para sa Bulls.

NUGGETS 107, Mavericks 106

Sa Dallas, ratsada si Nikola Jokic sa naiskor na 33 puntos, tampok ang winning basket may 7.9 segundo ang nalalabi sa panalo ng Denver Nuggets laban sa Dallas Mavericks.

Nakipagbuno si Jokic sa rebound at mula sa mintis na tira ni Dorian Finney-Smith para panalo gn Knicks.

Hataw si Luka Doncic sa Dallas sa naiskor na 77 points, 10 assists and nine rebounds.

Samantala, ginapi ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 41 puntos, ang Atlanta Hawks.

Naitala ni Harden ang 10 assists,10 rebounds at 11 rebounds and 11 assists for his first triple-double of the season sa 118-108 win over Philadelphia nitong Biyernes.