HINDI matatapos sa 30th SEA Games ang bagong gawang Rizal Memorial Coliseum (RMC) sa Vito Cruz Manila.
Ilang malalaking collegiate league at sports organizers ang nakikipag-usap na sa Philippine Sports Commission (PSC) para magamit angmga pasilidad sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Center (RMSC) sa Vito Cruz, Manila.
“We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical coliseum,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez.
Kabilang sa naipasaayos sa bakuran ng RMSC ang gymnastics, badminton, swimming pool, tennis court, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Coliseum.
Gagamitin ang naturang 93-anyos na coliseum ngayong Enero 24 para sa pagdiriwang Ng ika-30 anibersaryo ng PSC.
“This is a milestone for PSC. As we celebrate our 30th year, we want it to be inside the Rizal Coliseum which has seen many significant events in Philippine Sports,” pahayag ni Ramirez.
Kasunod nito, akatakda ring naging main venue ang RMSC ng Batang Pinoy at Philippine National Games ( PNG), kung saan ito ang unang pagkakataon sa loob ng 12 taon na magiging host ang Manila para sa ika-12 edisyon ng Batang Pinoy pati na ang Philsports sa Pasig.
Plano ring gawin ang ikaapat na enshrinement ng Philippine Sports Hall of Fame na nakatakda sa Nobyembre 27, 2020.
Ang Rizal Memorial Coliseum na may 6,100 seating capacity ay minsan ding naging tahanan ng mga kilalang collegiate leagues gaya University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) gayundin ang prominenteng pro basketball league ng bansa na PBA .
-Annie Abad