CLEVELAND ( A P ) — Naisalpak ni Derrick Rose ang 15- footer jumper may 27 segundo ang nalalabi sa makapigil-hiningang 115-113 panalo ng Detroit Pistons kontra Cleveland Cavaliers nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Walang kabang umariba si Rose mula sa depensa ng karibal para sa game-winning running shot at tuldukan ang paghahabol ng Pistons sa final period.
Naghabol ang Pistons sa 91- 110 bago umariba sa 13-2 run, tampok ang runner ng one-time MVP, para agawin ang bentahe sa 114-113.
May pagkakataon ang Cleveland na maisalba ang panalo, subalit natawagan si Collin Sexton ng stepping violation may pitong segundo ang nalalabi sa laro. Matapos ang reviewed, binawi ng referee ang itinawag kay Sexton subalit wala na sa porma ang play ng Cavaliers.
Naisalpak ni Andre Drummond ang isa sa dalawang free throw para sa final points.
Tumapos si Andre Drummond na may 23 puntos at 20 rebounds, ika-38 double-double na may 20 plus points at rebounds sa kanyang NBA career.
Napantayan ni Kevin Love ang season high 30 puntos. Natikman ng Cleveland ang ika-limang kabiguan sa aoat na laro.
BLAZERS 101, RAPTORS 99
Sa Toronto, tamang player sa tamang pagkakataon si Carmelo Anthony.
Giniba ng All-Star veteran ang depensa ng Portland Trail Blazers para tuldukan ang matikas na paghahabol ng Houston. Hataw si Anthony sa naiskor na 28 puntos, habang kumana sina Damian Lillard na may 20 puntos at Hassan Whiteside na may 14 puntos para sa Trail Blazers.
Nag-ambag sina Anfernee Simons na may 12 puntos at C.J. McCollum na may 10 puntos para matuldukan ang six-game losing skid.
Dikitan ang laban, ngunit nagtamo ng krusyal turnover Patrick McCaw may 13 segundo ang nalalabi, dahilan para maisakatuparan ang kabayanihan ni Anthony.
May pagkakataon pa ang Raptors na agawin ang panalo ngunit sablay ang three pointr ni Happy Kyle Lowry,
Kumana si Lowry ng 24 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Serge Ibaka added 17 points and 11 rebounds. Nag-ambag si Oshae Brisett na may career-high 12 puntos para sa Toronto.
Kulang sa players ang Raptors matapos ma-injured sina guard Fred Van Vleet, Norman Powell (left shoulder), Marc Gasol (left hamstring) at Pascal Siakam (groin).
THUNDER 111, NETS 103
Sa New York, Nagsalansan si Chris Paul ng 28 points, kabilang ang 12 sa final period at overtime, para masilo ng Oklahoma City Thunder ang Nets.
Nagtabla ang iskor sa 103, ngunit naisalpak ni Paul ang magkasunod na jumper para mailayo ang bentahe.
Nag-ambag si Shai Gilgeous- Alexander ng 22 puntos, habang tumipa si Steven Adams ng 10 puntos at 18 rebounds para sa Oklahoma City.
Bumida sa Nets sina Taurean Prince na may 21 puntos at Caris LeVert na may 20 puntos at Spencer Dinwiddie na may 14 puntos.
S a m a n t a l a , g i n a p i ng Sacramento Kings, sa pangunguna nina De’Aaron Fox na may 27 puntos at Nemanja Bjelica na may 19 markers, ang Phoenix Suns.