ANG pinakamalaking kaganapan para sa mga nagpapalahi ng manok-panabong sa taon ito ay magaganap sa SMX Convention Centre sa Enero 10, 11 & 12 sa paglalatag ng pinakahihintay na 2020 International Gamefowl Festival na inaasahan ang pagdalo ng mga mananabong mula sa Vietnam, Cambodia, Guam, Saipan at America.

Sa pagtataguyod ng nangungunang gamefowl feeds at vetmed company, Thunderbird, bilang pinakamalaking sponsor at exhibitor, ang mga bibisita ay tiyak na makakabili ng mga matataas na kaidad na manok-panabaong lalo na kung pang-breeding ang kailangan nila.

Nakatakdang lumahok at magdadadala ng kanilang mga signature bloodlines ng mga tinale para sa mga bago at papasikat na mga breeder ng manok-panabong ay sina Cong. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm); Gov. Larry Wacnang, Cong. Eddiebong Plaza (EP Roosterville), Nene Abello, Paolo Malvar (Sunhaven), Raffy Campos & Edwin Arañez (RED Gamefarm), Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Boy Tanyag, Manny Dalipe, Hermin Teves, Marcu del Rosario, Bebot Monsanto, Tan Brothers, Baham Mitra, Dennis de Asis, Bentoy Sy, Joe Laureño, Celzo Brothers, Alvin Ong at marami pang iba.

Maraming palaro at sorpresa na kapapalooban ng maraming premyo at mga libreng produkto ang naghihintay sa mga dadating.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nakatakdang magbukas ng kasayahan si Sen. Cynthia Villar at si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra.