SA taas na 5-foot-6 wala sa hinuha na magagawa ni Orlan Wamar ang mangibabaw sa larong bentahe ang matangkad.

WAMAR: Maliit, ngunit walastik

WAMAR: Maliit, ngunit walastik

Binawi niya ang kakulangan sa taas sa bilis at husay sa outside shooting.

Laban sa UniPak Sardines, hataw si Wamar sa career-high 21 puntos, tampok ang 6-of-10 sa three-point area para sandigan ang San Juan-Go for Gold sa impresibonng 112-95 panalo nitong Lunes sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Kailangan ko talagang mag sipag dahil ganito yung height ko, maliit lang, so kailangan maging threat ako sa three points,” pahayag ng dating CEU standout.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng double digit scores ang 21-anyos na may averaged 3.6 puntos sa unang 10 laro ng San Juan.

Sa gitna ng paghahabol ng Navotas, 72-83, hataw ang pambato ng Talisay, Cebu para maisalba ang SanJuan.

“Give credit ako sa teammates ko kasi dahil sa kanila nalilibre ako. Sharing the ball, yun ang laging sinasabi sa amin ng coaches na play as a team. Going to the playoffs, importante para sa amin yun,” aniya.