SA kabila ng paghahanda para sa Olimpiyada, nais din ng Philippine Sports Commission (PSC) na maisakatuparan na ang Philippine Sports Training Center (PSTC) na unang ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Halos isang taon na ang nakaraan nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act.
Ito ang batas na naglalayong magpatayo ng isang pasilidad na tinatawag na state-of-the-art na kung saan magiging sports training facility ng mga atleta at maari din nilang maging pahingahaan at paglibangan habang nasa sa ilalim ng training.
“We are doing our best to make this long-time dream come true,” pahayag ni PSC chief William “Butch” Ramirez.
Hindi lamang ang mga atleta ang makikinabang sa nasabing pasilidad na kundi pati na rin ang mga national coaches at mga referees.
May inilaan na kabuuang halaga na P3.5 billion na kukunin buhat sa General Appropriations Act (GAA). Ang nasabing pasilidad ay planong itayo sa Rosales Pangasinan na siyang unang nagbigay ng interes para sa nasabing training center, ngunit sa ngayon, pati ang Tarlac at Bataan ay naghahangad na din na mapili bilang main hub ng nasabing training center.
“We are grateful for the support and interest that we are receiving from different LGUs. We are studying possibilities and best options” ani Ramirez.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman ngayon ang PSC sa United States Sports Academy (USSA)upang mapalakas naman ang human resources ng bansa pagdating sa sports.
Sisimulan ngayong Marso ng unang serye ng mga maiikling sports courses upang mapalawak ang kaalalaman ng mga coaches, trainers at sports professionals sa bansa.
“We are also arranging plans with the Commission on Higher Education and the University of the Philippines,” ani Ramirez.
-Annie Abad