DINUROG ng Manila-Frontrow ang Rizal-Xentro Mall, 116-89, nitong Lunes sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa San Andres Sports Complex.

Hataw si Chris Bitoon sa naiskor na 28 puntos, tampok ang 12-of-15 shooting, apat na rebounds at apat na steals para sandigan ang Stars sa 21-4 karta, isang laro ang layo sa nangungunang San Juan.
Nag-ambag si Mark Dyke ng 16 puntos , habang kumana sina Gabby Espinas at Aris Dionisio ng tig-14 puntos para sa Manila.
“Focused yung mga bata. Gusto nilang patunayan na kahit nagka long break, nasa kundisyon pa rin sila,” pahayag ni Manila coach Tino Pinat.
Tangan ang 30-20 bentahe sa second period, nagpaandar ang Stars ng 17-1 scoring run, tampok ang three-point play ni Bitoon para palawigin ang abante sa pinakamalaking 26 puntos, 47-21.
Hataw sa Golden Coolers sina Mark Benitez at Jayvee Vidal na kumana ng 21 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nasa ilalim ng Northern Division ang Rizal na may 4-19 marka.
Nadomina naman ng San Juan-Go for Gold ang Navotas Unipak Sardines, 112-95.
Nagsalansan si Orlan Wamar ng 21 puntos, tampok ang anim na three-pointer at limang assists para sa Go for Gold-backed Knights na umabante sa 21-3 karta.
“I am proud of my players. They lived up to the expectations. Sinabi ko lang sa kanila hindi kami pwede matalo dito kasi we are gunning for first place,” pahayag ni San Juan owner Jinggoy Estrada.
Nag-ambag si John Wilson ng 17 puntos, pitong rebounds at apat na steals, habang kumana si MikeAyonayon ng 16 puntos.
Samantala, nabuhay ng Nueva Ecija ang tsansa na makahirit ng playoff matapos maungusan ang Batangas-Tanduay, 85-81.
Naisalpak ni JP Sarao ang dalawang free throw mula sa foul ni Jayson Grimaldo para makaungos ang Nueva Ecija sa 83-81 may 15 segundo ang nalalabi..
Nagtamo ng krusyal na turnover si Rey Suerte, sapat para maisalba ng Nueva Ecija ang panalo.
“I am very happy that we win this one because Batangas is a playoff team, Rey Suerte is a national player, malakas ang kalaban namin, it is a nice win for us,” pahayag ni Nueva Ecija coach Charles Tiu.
Nanguna si James Martinez na may 18 puntos.
Iskor:
(Unang Laro)
Manila-Frontrow (116) - Bitoon 28, Dyke 16, Espinas 14, Dionisio 14, Abrigo 8, Tallo 6, Go 5, Arellano 4, Lee 3, Laude 3, Camacho 3, Hayes 2, Manalo 2, Matias 0.
Rizal-Xentro Mall (89) - Benitez 21, Vidal 14, Hoyohoy 12, Rios 10, Regalado 8, Leynes 7, Gregorio 6, Casajeros 5, Bautista 4, Raflores 2, Lacastesantos 0, Bacay 0, Saliente 0, Acuna 0.
Quarterscores: 28-18, 51-28, 82-51, 116-89.
(Ikalawang Laro)
San Juan-Go for Gold (112) - Wamar 21, Wilson 17, Ayonayon 16, Rodriguez 8, Reyes 8, Ubalde 7, Estrella 6, Clarito 6, Buñag 5, Subido 4, Aquino 4, Pelayo 3, Tajonera 3, Marquez 2, Isit 2.
(Ikatlong Laro)
NUEVA ECIJA (85) - Martinez 18, Sarao 14, Celada 12, De Leon 10, Reyes, G. 9, Reyes J. 9, Monte 7, Gonzaga 2, Arana 2, Sabellina 2, Dela Cruz 0.
BATANGAS-TANDUAY (81) - Suerte 17, Melano 16, Grimaldo 14, Santos 12, Sara 12, Koga 6, Bragais 2, Eguilos 2, Salim 0, Basibas 0, Rogado 0, Olivares 0.
Quarterscores: 22-11, 43-44, 66-65, 85-81