SI Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang nagsilbing master of ceremonies kasama ang veteran host at book author na si RJ Ledesma sa gabi ng parangal ng Ginebra Ako Awards Year 2: Pagkilala sa Tunay na Tapang at Husay ng Pilipino na ginanap kamakailan sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City.

20200107_134027

Ginawaran ng parangal ang isang entrepreneur na naghatid ng liwanag sa maraming bahay, isang storyteller na nagturo ng kahalagahan ng pagbabasa, isang artist na naging performing arts advocate, jail warden na naging ilaw ng pagbabagong-buhay, at isang dating batang kalye naging international rugby player.

Nationwide search ang gjnagawa ng Ginebra Ako Awards upang kilalanin ang mga katangi-tanging accomplishments ng mga Pilipino. Inspired ito ng “Ginebra Ako” campaign ng Ginebra San Miguel na nagtatampok ng katapangan, pagiging madiskarte at maalab ng damdamin ng mga Pinoy.

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Ang mga nominado ay nagmula sa mga well-respected organizations sa buong bansa at dumaan sa isang screening committee.

Ayon kay Ginebra San Miguel Marketing Manager Ronald Molina, nais ng kompanya na maghatid ng inspirasyon upang maging mabuti tayong mamamayan na handang tumulong sa kapwa at maging maalab sa pagtupad sa mga pangarap.“Hindi natin kailangan pang lumayo para humanap ng inspirasyon, tingnan lang nating ang ating mga katabi dahil lahat tayo ay may kakayahang gumawa ng mabuti at katangi-tangi. Sila ang mga nais naming bigyan ng parangal,” ani Molina.

Ang awardees ng Ginebra Ako Awards Year 2 na kinilala sa kanilang natatanging konstribusyon sa komunidad ay sina Illac Diaz, founder at executive director ng Liter of Light, awardee ng Ginebra Ako Para sa Kalikasan; si Rey Bufi, founder ng The Storytelling Project, Ginebra Ako Para sa Kabataan; Pedro Abraham, Jr., founder ng Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra-GaPi) Ginebra Ako Para sa Entablado; Aris Villaester, Jail Warden of Tagaytay City Jail, Ginebra Ako Para sa Paglilingkod; at si Lito Ramirez ng Philippine Volcanoes para sa Ginebra Ako Para sa Palakasan.

Bawat awardee ay nakatanggap ng cash prize at trophy na may iconic Ginebra San Miguel logo na dinisenyo pa ni National Artist Fernando Amorsolo. Si dating Senator Robert Jaworski, isang Philippine sports icon na naging playing coach ng Barangay Ginebra San Miguel, ang nanguna sa mga nagbigay ng awards.

“May mga problema man tayo, hindi tayo pinapabayaan ng Diyos,” pahayag ni Ramirez.

“Hindi hadlang ang kahirapan para magsumikap tayo sa ating mga pangarap. Ganado ako sa buhay kasi alam kong may mga taong naniniwala sa akin lalo na sa mga potential ko. Sa mga kabataan din ngayon, gusto kong hindi nila maranasan ang naranasan ko before para ma-inspire ang mga kabataan na maglaro balang araw at maging katulad ko na maging national team at i-represent ang Pilipinas sa ibang bansa.”

-DINDO M. BALARES