INAMIN ni Gabbi Garcia na malapit nang magtapos ang drama-action series nilang Beautiful Justice with Yasmien Kurdi at Bea Binene na first time niyang nakatrabaho pero naging very close sila sa taping.

Gabbi

“Sama-sama po kasi kami sa training bilang mga PDEA agents kaya naging close kami sa isa’t isa,” kuwento ni Gabbi after ng All-Out Sundays nila last January 5.

“Maganda kasi, kami-kami nagtuturuan kapag nagti-training kami, like noong turuan na kami paano humawak at magpaputok ng baril, nag-training din kami ng mhuay thai at iba pang martial arts, para sa mga action scenes. In-enjoy po namin ang mga eksena, kahit po may time na nasasaktan din kami, pero part po iyon ng work namin.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Naikuwento rin ni Gabbi na natapos na niya ang pagpapagawa ng bahay nila at nakalipat na rin sila. Buong bahay na raw iyong nabili nila, pero marami silang renovation na ginawa. Masaya siya dahil mula iyon sa hard work niya.

Inamin din ni Gabbi na masaya ang lovelife niya. Three years na sila ng boyfriend niyang si Khalil Ramos. No problem daw sa kanila kung magkaiba sila ng network. Ngayong 2020 na, ano ang wish niya para sa kanyang career, bukod kasi sa mahusay na actress, maganda rin ang singing voice ni Gabbi.

“Wish ko this 2020, after nitong “Beautiful Justice,” makagawa naman ako ng isang light romantic-comedy series, dahil since nagsimula ako sa GMA Network, laging mga seryoso ang projects na naibibigay nila sa akin. Bukod sa mga drama series, nagawa ko rin po ang Encantadia. Thankful po ako na isinama nila ako sa mga musical shows ng GMA. Gusto ko rin pong makagawa muli ng movie.”

Kasama rin sa cast ng “Beautiful Justice” sina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Victor Neri, Valeen Montenegro at Bing Loyzaga. Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON