MAY bagong landas na tinatahak ang Philippine women’s basketball at nais ni Ronald Mascarinas na mas mapatatag ang kalidad ng kompetisyon para sa Pinay cagers sa ilalargang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league.
Iginiit ni Mascarinas na nagiba ang pananaw ng sambayanan sa women’s basketball, partikular sa 3x3 matapos makamit ng Team Philppines binubuo nina Afril Bernardino, Jack Animam, Clare Castro, at Janine Pontejos gintong medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.
“History was within reach and you all made us proud,” pahayag ni Mascarinas.
Tinapos ng Filipinas ang preliminary na may 4-1 karta nang kabugin ang Vietnam, 21-12, sa semifinals. Nabawiian nila ang Thailand sa gold medal game, 17-13.
“For women’s basketball, 2019 was a breakthrough year,” said Mascarinas. “Kaya napapanahon na magtayo tayo ng liga para mas mabigyan ng pagkakataon ang mas nakararami na maipakita ang kanilang husay. Mabibigyan din sila ng sapat na ranking points para makasali sa FIBA super league,” aniya.
Bilang pagbibigay pugay, pinagkalooban ni Mascarinas ang apat na players ng tig-P100,000 bilang cash incentives sa mga nagwagi.
Dumating din para magbigayn ng personal na mensahe si Gilas Women’s assistant coach Mark Solano,kumatawan kay head coach Patrick Aquino.
Nakatakdang simulan ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 League sa unang linggo ng February.
“We renewed our commitment. We’re looking at making a 3x3 league for women,” aniya.
Kumpiyansa si Mascarinas na may maabot ang Gilas ang minimithing tagumpya, kabilang ang magkwapilipka sa Olympics sa 2024 sa Paris.
“Our target is automatic qualification. In the next four years, we should qualify in the top three,” aniya.
“For the 2020 Olympics, we almost made it with little activity, but if we organize 3x3 basketball for women, we have a good chance, not just for OQT but for the automatic qualification.”