PHILADELPHIA (AP) — Hirap man bunsod nang baling kaliwang palasingsingan, ratsada si Joel Embiid sa naiskor na 18 puntos, habang tumipa si Ben Simmons ng 17 puntos at 15 rebounds para tuldukan ang four-game losing streak sa 120-113 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Lunes (Martes sa Manila).

NAIBUSLO ni Philadelphia 76ers’ center Joel Embiid (kaliwa) ang putback shot laban kay Oklahoma City Thunder’s Steven Adams sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

NAIBUSLO ni Philadelphia 76ers’ center Joel Embiid (kaliwa) ang putback shot laban kay Oklahoma City Thunder’s Steven Adams sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Luhaan ang 76ers sa apat na sunod na road game dahilan para malaglag sa Eastern Conference standings.

Nakaalpas sa playoff ang Philadelhia sa nakalipas na season at dahilan ito ng isang malusog na Embiid, ngunit sa kabila ng iniindang sakit nagawang pangunahan ng All-Star center ang panalo ng koponan.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nanguna si Steve Adams sa Thunder na may 24 puntos at 15 rebounds, habang kumana si Chris Paul ng 18 puntos.

Nag-ambag si Josh Richardson sa Sixers sa nakubrang 23 puntos.

“This is what I want,” pahayag ni Sixers coach Brent Brown. “I want a 3-point shot per game, minimum. He will be liberated. His world will open up and, in many ways, so will ours.”

“This team needs to find more 3-point opportunities. We do. We need to hunt 3s in a more definitive way than we currently are,” aniya.

WIZARDS 99, CELTICS 94

Sa Washington, ginulantang kulelat na Wizards, sa pangunguna ni Ish Smith, ang Boston Celtics sa pinakamalaking panalo sa kasalukyang season.

Hindi nakalaro sa Boston si Kemba Walker bunsod ng trangkaso.

Isang laro matapos umiskor ng career-high 32 puntos, muling pinabilib ni Smith ang local crowd sa naiskor na 24 puntos, tampok ang 14 sa final period mula sa 5-for-5 shooting.

Nanguna si Jaylen Brown sa Boston na may 23 puntos, habang umiskor si Gordon Hayward ng 11 puntos.

Naglaro ang Washington na wala ang anim na players kabilang sina star players Bradley Beal (sore right leg) at John Wall ( Achilles surgery), kabilang sina Rui Hachimura at Thomas Bryant.

JAZZ 128, PELICANS 126

Sa New Orleans, naungusan ng Utah Jazz, sa pangunguna nina Bojan Bogdanovic na may 35 puntos at Joe Ingles na may 22 puntos, ang New Orleans Pelicans.

Hataw si Brandon Ingram sa New Orleans sa naiskor na 35 puntos, habang kumana si Donovan Mitchell ng 19 puntos, kabilang ang driving floater in na bumasag sa 126-all may 1:12 ang nalalabi sa laro.

Umabante ang Utah sa 11 puntos sa third period at napanatili ang abante Ratsada si J.J. Redick, tampok ang free throws, sa naiskor na 23 puntos para maitabla ang iskor sa 126.

SPURS 126, BUCKS 104

Sa San Antonio, nagsalansan si DeMar DeRozan ng 25 puntos sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Milwaukee.

Nag-ambag si Patty Mills ng 21 puntos, tampok ang 6 for 10 sa three-pointers,habang kumana sina LaMarcus Aldridge at Rudy Gay ng tig-18 puntos.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks na may 24 puntos, 12 rebounds at walong assists at kumana si Donte DiVincenzo ng 16 puntos.

Sa kabila ng kabiguan, una sa Bucks mula noong Dec. 25 (Dec. 26, PHL time) tangan ngMilwaukee ang league’s best record sa 32-6. Galing sa panalo ang Milwaukee kontra San Antonio 127-118 nitong Sabado.