MULING mapapanood ang galing ni American star Katherine Bell matapos muling kunin ng Petron Blaze bilang import sa pagbubukas ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix na magsisimula sa Pebrero.
Kumpirmado na ang pagbabalik ni Bell sa kampo ng Blaze Spikers habang ilang key players ang nadagdag sa tropa kabilang na si opposite hitter Eli Soyud ng Adamson University.
Pasok din sa Petron sina Filipino-Canadian setter Rebecca Rivera, at libero Alyssa Eroa at Rica Rivera.
Makakasama ng mga baguhang manlalaro sina middle blockers Mika Reyes at Remy Palma, opposite spiker Aiza Maizo-Pontillas at open spiker Ces Molina.
Wala na sa Blaze Spi¬kers sina playmaker Rhea Dimaculangan, Denden Lazaro, Carmela Tunay at Chloe Cortez.
Lumipat si Dimacula¬ngan sa Generika-Ayala habang maglalaro naman sina Lazaro, Tunay at Cortez sa Premier Volleyball League.
Maliban sa rigodon ng mga players, bagong coaching staff din ang ipaparada ng Petron sa pagbubukas ng bagong season ng PSL.
Kinuha ng Blaze Spi¬kers management ang serbisyo ni veteran mentor Emil Lontoc para palitan si Shaq Delos Santos bilang head coach.
Target ni Lontoc na manduhan ang Blaze Spi¬kers sa pagdepensa ng titulo sa Grand Prix habang nais nitong maibalik sa teritoryo ng prankisa ang korona sa All-Filipino Conference.
Noong nakaraang taon, nasikwat ng Petron ang korona sa Grand Prix sa tulong nina Bell at Season MVP Stephanie Niemer.
Ngunit bigong maipagtanggol ng tropa ang kampeonato sa All-Filipino Conference matapos matalo sa F2 Logistics sa finals.
Nagtapos sa ikatlong puwesto ang Petron sa Invitational Confe¬rence.