HINDI lamang makapagbigay ng maayos, ngunit murang panuluyan ang layunin ng RedDoorz, nangungunang hotel chain sa rehiyon, bagkus ang makapagbigay ng saya sa mga batang mahihirap.

NAGIWAN ng ngiti sa mga batang mahihirap ang programa ng RedDoorz sa araw ng Kapaskuhan

NAGIWAN ng ngiti sa mga batang mahihirap ang programa ng RedDoorz sa araw ng Kapaskuhan

Sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, inilunsad ng RedDoorz hotels, ang programa para matuluyan ng mga batang mahihirap ang 100 kuwarto ng natural hotel.

Tampok bilang #MomentsToCelebrate holiday campaign, nakipagtambalan ang RedDoorz sa Virlanie Foundation, Sunshine Corner Ministry of Encouragement Inc., at United Muslim, Christian and Lumad for Peace and Development in Mindanao para magkaloob ng ngiti at saya sa mga kabataan.

Carlos Yulo, '2024 Athlete of the Year' ng PSA

Sa tulong ng mga kwalipikadong volunteers at guardians, sumailalim ang mga kabataan sa serye ng educational learning sessions, parlor games and team-building exercises.

“This experience was a great learning opportunity. Staying in a hotel for the first time and indulging in new, enjoyable activities excited the children and gave them an early Christmas memory that they’ll never forget. This was the first time that a number of them felt that they belonged as part of a larger, caring community, encouraging them to try new things,” pahayag ni Caleb Uy, Donor Relations Officer ng Virlanie Foundation, isa sa beneficiary communities ng RedDoorz’s #MomentsToCelebrate campaign.

Sinimulan ang programa sa Davao City nitong November 23 kung saan nagbigay nang sopresang kasiyahan ang RedDoorz employees at staff sa mga kabataan na nasa kalinga ng United Muslim, Christian and Lumad For Peace and Development in Mindanao.

“These children have had a disadvantageous start in life and we wanted to give them the chance to experience a fun-filled weekend before Santa Claus sets off with his bag of goodies. RedDoorz launched its #MomentsToCelebrate campaign this holiday season to spread cheer by enabling more people to travel, and to remind more Filipinos to create quality moments with their loved ones,” sambit ni RedDoorz Country Marketing Manager Raenald De Jesus.