PREMYADONG panlaban ng bansa sa amateur boksing sina Nesthy Petecio, Felix Eumir Marcial at Josie Gabuco na pawang nakapasok sa piling talaan ng mga world-ranked amateur boxers base sa website ng Your Boxing Club.

Top ranked featherweight sa buong daigdig ang Pinay boxer na si Petecio (57 kgs) habang nasa pangalawang baytang ng mga malulupit na featherweight sa mundo si Marcial (75 kgs).

Matatandaang si Petecio ay sariwa sa pagkopo ng ginto sa world championships sa Russia nang talunin niya sa finals ang isang kinatawan ng punong-abala kamakailan samantalang si Marcial ay nag-uwi ng pilak sa bakbakan sa kalalakihan. Tangan ni lightflyweight Gabuco (48 kgs) ang pangwalong posisyon sa kanyang weight bracket.

Kasama rin sa top 20 ang iba pang mga boksingero ng Pilipinas. Ito’y binubuo nina Carlos Paalam (no. 13, light flyweight 49 kgs), John Marvin (no. 13, light heavyweight 81 kgs), Rogen Ladon (no. 15, flyweight 52 kgs) at Ian Clarke Bautista (no. 20, bantamweight 56 kgs).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang youth boxers ay nasa world ranking din (no. 6. Christian Pitt Laurente; bantamweight at no. 19, Cris Russu Laurente; light flyweight).

Kasalukuyang wala pang kinatawan ang Pilipinas sa Tokyo Olympics pagdating sa boksing. Dalawang tsansa ang nakalatag sa kanila. Ang una ay ang Asia/Ocenia Qualifers na uusad sa Honhsgan Gymnasium, Wuhan, China sa Pebrero 3-14, 2020. Ang pangalawa naman, kung hindi papalarin sa Wuhan, ay masasaksihan naman sa Grand Dome, Paris, France sa Mayo 13-24, 2020 at tinatawag na World Qualifiers.

Mayroon pang ibang continental eliminations pero ang mga ito ay gaganapin sa labas ng Asya: Dakar International Expo Center sa Senegal (Africa, Pebrero); Copper Box Arena London (Europe, Marso); CeNARD Training Center Buendia Aires (America, Marso hanggang Abril).

Ang kwalipikasyon meet ay gaganapin sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng Pricewaterhousecoopers. Ito ang grupong nagsagawa ng ayon sa International Olympic Committee (IOC) na may malinis at may kredibilidad na Buenos Aires na Youth Olympic Games. Nasipa palabas ng centerstage ang world-governing International Boxing Association (AIBA) matapos na masangkot ito sa anomalya sa pagpapalakad ng organisasyon. Ang hakbang na ito ay base sa rekomendasyon ng IOC Executive Board.