TARGET ni Pinay golf champion Bianca Pagdanganan na makaamot sa kabuuang US$75.1-M na premyo sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour ngayong 2020.

Kwalipikadong lumaro si Pagdangana sa prestihiyosong torneo at sisimula niya ang kampanya sa US$1.2M Diamond Resorts Tournament of Champions sa Florida na gaganapin sa Enero 16 hanggang 19.

Kahit bagito, sanay sa laban ang Pinay at inaasahang hindi ito pahuihuli laban sa mga beteranong karibal.Tinapos ng Pinay ang kanyang amateur career na bahagi ng top 38 buong mundo (1085.7926 puntos).

Naging sandigan ni Pagdanganan, dating pambato ng University of Arizona, ang paghablot niya ng individual gold sa women’s golf ng katatapos ng 30th Southeast Asian Games sa Manila kung saan muling nakamit ng Team Philippines ang overall title.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Malupit na hamon ang dinaanan ng Pinay sa torneo dahil may mga tumatawad sa kanyang kakayahang maibandera sa event ang Pilipinas dahil sa dalawang mga kadahilanan: una, wala ang premyadong lady golfer ng bansa na si Yuka Saso na naging professional na; pangalawa, kasama sa SEAG ang malupit na Thai contingent sa pamumuno ni world amateur no. 1 Atthaya Thitikul at no. 13 Phimnipa Panthong. Pero hindi nagpakaldag si Pagdanganan at dinaig ang mga world class Thai lady golfers paakyat sa trono. Bukod dito, pinangunahan niya rin ang bansa sa pagkuha ng team gold.