HIGIT P3 milyon mula sa pondo ng isang power generatot, na ibinahagi sa probinsiyal na pamahalaan ng Misamis Oriental, ang ilalaan para sa pagtatayo ng isang tourism destination site sa bayan ng Claveria town.

Sa pagbabahagi ni Lawyer Jeffrey Saclot, provincial tourism officer, magsisimula ang konstruksiyon ng Misamis Oriental Agriculture and Tourism Complex sa unang bahagi ng taong ito matapos makumpleto ang proseso ng bidding.

Itatayo ang pasilidad sa bahagi ng Flight 387 Memorial Shrine, isang lugar na inilaan bilang pag-alaala sa mga namatay sa Cebu Pacific airplane sa dalisdis ng Mount Sumagaya sa Gingoog City noong Pebrero 2, 1998.

Madalas umanong magtungo sa memorial shrine ang mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi sa nasabing aksidente at kalaunan ay binibisita na rin ito ng mga tao bilang sa isa sikat na tourist destinations sa probinsiya.

Ayon kay Saclot, magiging bahagi ng complex ang isang flower farm, camping site, fruit stand, isang tulay, coffee shop, function rooms at iba pang amenities, na inaasahang makakatulong na makaakit ng mas maraming bisita sa Misamis Oriental.

“This will have a huge impact on the local tourism,”pagbabahagi nito sa isang panayam.

“Once completed, more people will come to visit it,” dagdag pa ni Saclot.

Malaking bahagi ng pondong gagamitin sa konstruksiyon ng complex ay nagmula naman sa German company, ang Steag State Power mula sa power generation nito, na ibinigay sa probinsiyal na pamahalaan, na nagkakahalaga ng P3.54 million.

Sa ginanap na turnover ng P3.54 million check noong Disyembre 23, sinabi ni Gov. Yevgeny Vincente Emano na ipakikita niya sa Steag management “that the money that you entrusted to the provincial government will never go to waste. We will implement it properly.”

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Dr. Carsten Evers, Steag power plant manager, na ang pondong inilaan ay bahagi ng P17.8 million na natanggap ng probinsiyal na pamahalaan bilang bahagi nito sa electricity sales ng kompanya na nasailalim ng ER 1-94 program ng Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, ipinagkakaloob ng ER 1-94 ang pinasiyal na benepisyo ng mga komunidad kung saan itinatayo ang mga pasilidad ng energy provider.

“We are happy to be part of the provincial government’s tourism advocacy by using the funds for the development of the Provincial Botanical and Tourism Complex in Claveria,” aniya.

PNA