TAGUMPAY ang taong 2019 sa ONE Championship. At hindi magpapahuli ang nangungunang mixed martial arts promotions sa Asya para sa nakalinyang programa sa taong 2020.
Ipinahayag ni ONE Chairman and CEO Chatri Sityodtong na nakalinya sa programa abg 50 live events sa buong Asya. Lalagpasan nito ang 42 live events na naisagawa sa nakalipas na taon.
“I am thrilled to announce that ONE Championship will produce a record high 50 events in 2020 (vs. our prior record of 42 events in 2019) across our key properties: ONE Championship, ONE Super Series, ONE Hero Series, ONE Warrior Series, and ONE Esports,” pahayag ni Sityodtong.
Ang pahayag ay bunsod na rin sa naselyuhang suporta ng organisasyon sa mga top brand sa industriya tulad ng JBL, TUMI, Redbull, Lazada, DBS Bank, Foodpanda, Hugo Boss, Harvey Norman, Secretlab, California Fitness, Kredivo, Reckitt Benckiser, at Unilever.
Bukod sa mga major events sa Bangkok, Manila, Tokyo, Jakarta, Singapore, Kuala Lumpur, at China, target ng ONE na pasukin ang merkado ng India at United States.
Sisimulan ng ONE Championship ang 2020 sa ONE: A NEW TOMORROW sa Enero 10 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand. Tampok na laban ang muling paghaharap nina ONE Flyweight Muay Thai World Champion Rodtang Jitmuangnon at dating kampeon na si Jonathan “The General” Haggerty.
Bukod sa MMA, pumalaot na din ang ONE sa sumisikat na Esports matapos isagawa ang ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational. Nakatakda ang ONE Dota 2 Jakarta Invitational ngayon taon.
“ONE Championship is doing incredible work across the full spectrum of their offerings, and fans from all sides are keeping a close eye on the developments. More to expect in the coming days,” sambit ni Sityodtong.