PALABAN na ang University of Per¬petual Help Lady Altas para sa Season 95 NCAA women’s volleyball tournament na magbubukas sa Enero 10 sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Sumailalim sa matinding pagsasanay ang Lady Altas matapos ang mahabang panahong pamamahinga upang bigyan daan ang pagsasagawa ng 30th Southeast Asian Games.
Iginiit ni coach Macky Cariño na kumpiyansa siya sa kampanya ng Lady Atlas na sisimulan ang kampanya laban sa College of St. Benilde Lady Bla¬¬zers sa alas-2 ng hapon sa opening day.
Sa ibang laro, magta¬tagpo naman ang LPU La¬dy Pirates at ang nagde¬depensang Arellano Lady Chiefs sa alas-12 ng tanghali.
Sinabi nina Cariño at assistant coach Marcelo Joa¬quin Jr. na ang kanilang ha¬nay ay bubuuin ng limang graduating players ka¬bilang na ang anim holdovers at tatlong rookies mu¬la sa kanilang pool.
Kabilang sa kanila ay sina team captain Shyra Umandal at Charina Scott na middle blockers, Bicolana Jonah Rosal at Dana Persa bilang opposite hitters, libe¬ro Allysa Sanggalang at setter Jenny Gaviola na pu¬malit sa nawawalang si Ne¬celle Gual kasama sina Cindy Imbo na ngayon ay na¬sa Philippine Navy at sina Jo¬wie Verzosa at Hershey Llo¬rente.
Umusad sa championship match ang Lady Altas sa nakalipas na season nang silatin ang top seed at may ‘twice-to-beat’ advantage na Lady Bla¬zers sa semifinals.
Kinapso sila laban sa Arellano Lady Chiefs, 1-2, sa Finals.
“We are now in final stage of our training to face La¬dy Blazers in opening match, ito ‘yung aming battery test kung matibay ang team ko,” sambit ni Cariño.
Huling nagkampeon ang Lady Altas noong 2012, 2013 at 2014 sa pa¬nahon nina Royce Tu¬bino, April Sartin, Jane Diaz, Sandy delos Santos, J¬a¬nice Abar at libero Jheck Dio¬nela.