TARGET ng San Miguel Alab Pilipinas na makabawi sa masamang laro sa bagong taon sa pakikipagtuos sa Taiwan’s Fubon Braves na tatampukan ni dating NBA player OJ Mayo ngayon sa ASEAN Basketball League sa The Arena sa San Juan.
Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.
Natikman ng Alab, sa pangangasiwan ni coach Jimmy Alapag, ang mapait na 93-98 kabiguan sa kuko ng Macau Wolf Warriors nitong Linggo. Ang kabiguan ang tumuldok sa four-game winning streak ng Alab.
“I really look at it as being the coach not having our guys ready to play, that’s really what it came down,” pahayag ni Alapag.
Bagsak ang Philippine club sa ikatlong puwesto (4-2) sa likod ng Thailand’s Mono Vampire (5-1) at Malaysian side Kuala Lumpur Dragons (3-1).
“We got off to a really, really bad start,” sambit ni Alapag. “I wasn’t happy with us being just real flat and really low energy and that comes from me. I got to make sure that our energy’s up and play sharper as a team going into Tuesday, especially with a quality team like Fubon coming in.”
-Jonas Terrado
Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
4:00 n.h. -- Alab Pilipinas vs Fubon