TRENDING sa social media ang Tala dance craze na isinayaw din ng mag-sweetheart na Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Maraming showbiz at non-showbiz na ang sumayaw nito at kanya-kanyang post sa social media na na-report na sa ABS-CBN news kasama na sina Arjo at Maine.

Nitong Sabado sa ganap na 9:44 p.m. ay pinost ni Maine ang version nila ni Arjo ng awiting Tala ni Sarah Geronimo.

Ang caption ng dalaga, “The things I do for you, Arsho. #pospter”

Herlene Budol, sa pempem ng nanay niya humuhugot ng utang na loob

Umabot sa 1.3M views, 190k likes at 25k retweet.

Simple ang pagkaka-sayaw ng ArMaine, hindi eksaherado katulad ng iba na gigil na gigil.

Ang malaking tanong ay kung saan o kaninong condo unit ito kinunan dahil halatang maliit lang ang lugar.

Kung ibabase sa mga suot na damit nina Arjo at Maine ay mukhang dinalaw ng dalaga ang aktor sa kanyang condo kaya naka-pambahay lang.

Kung hindi nabago ang petsa ay nitong Enero 3 dumating ang pamilya Atayde mula sa ilang araw na bakasyon sa Dubai.

At dahil jetlag pa siguro si Arjo kaya si Maine na ang dumalaw sa ‘babs’ niya sa tirahan nito.

Para rin siguro tuluyang magising na ang binata ay isinayaw nila ang Tala song ni Sarah na 3 years ago pa ito na-release pero ngayon lang sumikat.

Going back to ArMaine ay nag-aabang na ang supporters nila kung kailan sila magkakaroon ng project na magkasama sila.

-Reggee Bonoan