MATAPOS ang matagumpay na kampanya ng bansa sa nakaraang 30th Southeast Asian Games, kung saan isa ang skateboarding sa nagbigay ng maraming ginto sa bilang ng Pilipinas para overall championships, nais ngayon ng Skateboarding and Roller Skates Association of the Philippines (SRSAP) na magkaroon ng isang programa para sa mga kabataan.

Plano ni SRSAP president na maisama ang skatbeoarding sa kompetisyon ng Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayong edisyon.
Sinabi ni Mendigoria sa Balita na makikipagpulong siya ngayong araw na ito sa mga opisyales ng PSC upang ihain ang kanyang bala upang maisama ang skateboarding sa grassroots program ng nasabing ahensiya.
“ I’m just plotting everything then will submit the year round budget to PSC tomorrow, (today). The current world champion is 11 years old kaya we need to have a grassroots program,” ani Mendigoria.
Sa kasalukuyan ay walong skateboard athletes ang SRSAP sa pangunguna ni Margielyn Didal, ngunit wala pa silang mga kabataan na nagmula talaga sa programa ng grassroots.
“ We have only 2 for the Olympics and bahala na si Team Manager Anthony Claravall and Coach Dani Bautista. What we want to focus our attention are the next generation towards the 2024 Paris Olympics na,” ani Mendigoria.
Ngunit sinabi din ni Mendigoria na maisama o hindi ang skateboarding sa Batang Pinoy, ay may mga pribadong kompanya naman umano na handang sumuporta sa kanila upang magsagawa ng kompetisyon para sa mga kabataan.
Yes. Maisama o hindi, we will have private sponsors in making it possible naman.. Our main target are the young skateboarders. They are the future of our sport po e. We will also organize a skateboarding academy in different provinces na may skateparks like Tagaytay, Manila, Iloilo, Davao and just opened, Koronadal City,” ayon pa kay Mendigoria.
Humakot ng anim na gintong medalya ang skateboarding sa katatapos na SEA Games, na may kasamang apat na silver at isang bronze medal.
-Annie Abad