BALIK-LIVE na muli ang programang It’s Showtime, last Thursday, December 2. Sa nasabing espisode, ibinahagi ni Vice ang kanilang bakasyon sa Taiwan, with his family, It’s Showtime family at ng kanyang boyfriend na si Ion Perez. Umalis ang tropa papuntang Taiwan, sa kasagsagan nang pagpapalabas ng MMFF entries kung saa’y humahataw sa takilya ang entry nitong The Mall,The Merrier.

Ion at Vice

Umpisang kuwento Vice, tuwang-tuwa raw siya habang pinanood ang fireworks sa isang Plaza sa Taiwan. Aniya’y napakaganda ang puwesto nila sa nasabing fireworks display “ Nasa harap kami mismo, ang ganda-ganda ng kanilang fireworks” ani Vice.

Sa naturang episoode, kapansin-pansin ang pagtatawanan ng ibang co-host at dito nagtanong si Vice kung bakit sila nagtatawanan sa backstage?

‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19

Sinagot si Ion si Vice. Hindi daw niya alam na nagkaroon pala ng girlfriend ang kanyang dyowa bago pa lang sumikat ang Unkabogable star?

Tanong ni Ion kay Vice, “Nagka-girlfriend ka ba? Totoo? Ba’t di mo kinukwento sa akin? Sabi mo wala tayong sikretuhan… Sabi mo, ‘di ba?”na ikinaaliw ng madlang pipol.

Buwelta pa ni Vice, “Nagka-girlfriend ako, no! Anong nakakatawa do’n? Bakit kailangan i-kwento ko pa lahat. Hindi na mahalagang malaman…”

-Ador V. Saluta