NAG-REACT si Robin Padilla nang i-bash ng mga netizens ang Holy Pope, Pope Francis, nang lumabas at nakita sa balita nang paluin niya ang kamay ng isang pilgrim na hinatak ang kamay niya at ayaw bitawan.

Pope Francis Vatican

Sa post ni@robinhoodpadilla: “Pati ba naman ang Holy Pope ng mga Katoliko binabash! Talaga bang wala nang respeto ang mga tao? Napanood ko ang video kitang-kita sa video na hinatak ng babae ang Holy Pope habang nasa alanganin na posisyon at sa idad ng Holy Pope sigurado ako nasaktan siya natural lang na magreact siya. I’m a Muslim and I’m defending him. I hope the Catholics will do the same. May Allah have mercy on us.”

Salamat Robin at sa lahat ng mga nagtanggol sa bashing na inabot ng Holy Pope.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Humingi na rin ng tawad ang Holy Pope sa babaeng napalo niya ang kamay. Sa kanyang Homily sa Holy Mass noong New Year sa Vatican, sinabi niyang tao rin naman siya, hindi siya santo na hindi nasasaktan at hindi rin naman pagkakamali kung hihingi tayo ng tawad kung nagkasala tayo.

Sabi ni @nicadelrio18 Watch the Two Popes the movie that unfolds the inside of Pope Francis, well loved, protector of the oppressed, champion to the poor, cool, football fanatic and very human. God bless you Papa Francisco @robinhoodpadilla.

-NORA V. CALDERON