AKSIYONG umaatikabo ang inaasahan sa pagratsada ng mga premyadong moto riders na naghahangad para sa National Overall title at Rookie of the Year, sa NAMSSA Philippine National Supercross Championship sa Linggo (Jan. 5) sa Speedworld Circuit sa SM Bicutan Grounds sa Taguig City.

Sa pagtataguyod ng National Motorcycle Sports and Safety Association, hatawan ang mga local top riders mula sa motor club na miyembro ng NAMSSA, sa pangunguna nina Bornok Mangusong, dating Motocross Rider of the Year Kenneth San Andres, up-and-coming Moy-Moy Flores, Jethrick Marquez at Gabriel “Bilog” Macaso.

“Everyone’s raring to give motocross fans another intense competition,” pahayag ni Macky Carapiet, pangulo ng NAMSSA at FIM Asia president.

Ang motocross extravaganza ay suportado ng Foilacar, Karcher, Monark Cat, Shell Advance, Shell V-Power, SM Bicutan, ICTSI, Maynilad, Asia Brewery, KYT, Alpinestar, Partas Bus, YSS, Shakey’s at 4 BROS Racing.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kinikilala ang Speedworld circuit na world-class na dinesenyo at pinangasiwaan ng NAMSSA batay sa technical at safety standards ng FIM, ang world governing body for motorcycle sports. Ang NAMSSA ang tanging Philippine member ng International body at kinikilala ng Philippine Olympic Committee, FIM Asia at Federation Internationale de Motocyclisme of Suisse.

“We have to adhere to the high safety and rules’ standards set by the world federation and the Supercross track in Manila meets international homologation standards,” sambit ni Carapiet.

Tumaas ang competitive level ng local riders dahil sa serye ng mga karera at National Sports Development program ng NAMSSA.

“A NAMSSA motocross event has always been a fan favorite and our final leg is no exception. And so we expect motocross fans to come out in droves to support their sporting heroes on two wheels,” pahayag ni Carapiet.

Nagsasagawa rin ng taunang General Assembly ang NAMSSA para sa eksklusibong mga miyembro upang maisaaayos ang programa at ang supervision ng organisasyon.

Para sa karagdsagang impormasyon hingil sa Supercross Championship at NAMSSA organized/sanctioned events, bisitahin ang www.namssa.com at NAMSSA Secretariat Facebook page o makipag-ugnayan sa organizers sa mobile, no. 01978479795.