BALIK-TAMBALAN sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion sa iWant 6-part digital series na may titulong My Single Lady mula sa direksyon ni Carlo Enciso Catu.

Jodi

Base sa repost ni direk Carlo, “Bagong taon, bagong handa ng Dreamscape Entertainment, B617 and JodiStaMariaPH para sa lahat lalo na at sa mga #SINGLE. “MY SINGLE LADY” soon on iWant #NASAiWantYAN.”

Naunang nagsama sina Jodi at Ian sa teleseryeng Darating ang Umaga (2003) at Pangako Sa ‘Yo (2015). Nasundan sa mga pelikulang All You Need is Pag-Ibig (2015) at Achy Breaky Hearts (2016).

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Pagkalipas nang apat na taon ay heto si Ian ang leading man ni Jodi sa My Single Lady. Ang aktres ang mismong producer ng iWant digital series niya kasama ang Dreamscape Entertainment.

Nagka-chat kami ni direk Carlo ay inaming masaya siya sa pagpasok ng 2020 dahil pambungad ng Dreamscape Entertainment sa iWant ang My Single Lady.

Tinanong namin kay direk Carlo kung ano na ang mga nabago sa buhay niya pagkatapos ng pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon na entry sa Cinemalaya noong 2018 at nagwagi itong ng Best Picture, Best Production Design, Best Cinematography, at Best Screenplay bukod sa Netpac Citation.

Aniya, “Wala naman masyado Ate Reggee, medyo tumaas lang ng konti tf (talent fee) saka mas mainam na production siguro pero same, same pa din. I still give my 100% in everything I do naman he he. Siguro sabihin natin na di na ganoon ka super tight ng budget pero working on a budget pa din naman.”

Sabi namin na natutuwa kami sa magandang nangyayari sa karera ngayon ni direk Carlo dahil parang kailan lang ay hangad niyang magkaroon ng maraming projects, pelikula o teleserye para matulungan ang magulang niya sa probinsya.

Biniro rin namin na sa susunod na pag-uusap namin ay malamang nakabili na siya ng sariling sasakyan, “Wow magdilang anghel po kayo ate Reggee! If given a chance, bahay muna para kina mama.”

Anyway, bukod sa iWant digital series na My Single Lady ay nanggaling ng Sapporo, Japan si direk kasama ang ilang taga-production para sa isang movie project na hindi pa binanggit kung ano at sino ang cast.

-REGGEE BONOAN