NAKATAKDANG simulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang paghahanda patungo sa 2023 FIBA World Cup sa susunod na buwan.

Sa pagkakataong ito, isang bagong koponan ang nakatakdang buuin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa darating na FIBA Asia Cup qualifiers.

Ayon na rin sa pahiwatig ni SBP president Al Panlilio, maaaring maging bahagi ng koponan nasasabak sa opening window ng qualifiers ang sinuman sa mga Gilas cadets na sina Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte at Allyn Bulanadi and twin brothers Matt and Mike Nieto kasama ang mga piling PBA players.

Kaugnay nito, plano na rin ng SBP na tapusin na ang paglalaro ni Andray Blatche para sa Gilas bilang naturalized player.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nais ng SBP na humubog ng mga mas batang manlalaro na maaaring maging bahagi mg national team hanggang sa susunod na tatlong taon.

Kaya naman balak na nilang pagpahingahin ang 33-anyos at 6-foot-11 NBA veteran na limang taon na ring nagsilbi sa koponan.

Maliban kina Go, ang kambal na Nieto, Suerte at Bulanadi, idinagdag din ng SBP sa hanay ng Gilas cadets sina dating Ateneo standout Thirdy Ravena at University of the Philippines player Jaydee Tungcab.

Nakatakdang sumabak sa anim na laro sa loob halos ng isang taon ang Gilas sa Group A ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Una nilang makakasagupa sa Pebrero 20 ang Thailand sa larong dito idaraos sa Pilipinas bago dumayo sa Indonesia sa Pebrero 23.

Kasunod nito, magkakaroon sila ng tsansa para makapaghanda ng matagal dahil Nobyembre 27 pa ang simula ng aecond windoq kung saan makakatunggali nila ang South Korea na susundan ng tapatan nila muli ng Thailand sa Nobyembre 30.

Magtatapos ang kanilang double round-robin Group A matches sa Pebrero 2021 sa pamamagitan ng dalawang home games kontra Indonesia sa Pebrero 18 at South Korea sa Pebrero 21.

May 16 na slots ang paglalabanan ng 24 na mga contenders upang makasama sa FIBA Asia Cup

Bukod sa Gilas, Indonesia, Thailand at South Korea na bumubuo sa Group A, ang iba pang mga contenders ay ang Chinese-Taipei, Japan, Malaysia at China sa Group B, Australia, Hong Kong, New Zealand at Guam sa Group C, Bahrain, Lebanon, India at Iraq sa Group D, Saudi Arabia, Syria, Qatar at Iran sa Group E at Jordan, Kazakhstan, Sri Lanka at Palestine sa Group F.

-Marivic Awitan