NEW YORK (AP) – Nanguna sina Dallas Mavericks’ Luka Doncic at Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo sa NBA at kani-kanilang conferences para sa first fan return ng NBA All-Star voting sa pagtataguyod ng Google.

Naungusan ni Doncic si Antetokounmpo ng 599 votes para manguna sa lahat ng may botong players.

Kabuuang 50 porsiyento ang lakas ng fan votes para sa mapipiling 10 starters para sa 2020 NBA All-Star Game na gaganapin sa United Center sa Chicago sa Feb. 16.

Ang boto ng lahat ng NBA players at media panel ay may tig-25 porsiyento. Matatapos ang votinbg sa Enero 20.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Tangan ni Doncic, 2018-19 Kia NBA Rookie of the Year, ang 1,073,957 fan votes para manguna sa Western Conference guards, nakabuntot si Houston Rockets’ James Harden na may 749,080 votes.

Nanguna si LeBron James, 15-time NBA All-Star, na may 1,020,851 votes sa Western Conference frontcourt, kasunod ang kasangga niyang si Anthony Davis na may 955,246 votes, kasunod si LA Clippers’ Kawhi Leonard (740,657).

Ratsada naman si Antetokounmpo, NBA All-Star starter sa nakalipa sna tatlong season, sa nakamit na 1,073, 358 boto para manguna sa Eastern Conference, kasunod sina Joel Embiid ng Philadelphia 76ers (606,534) at Pascal Siakam ng Toronto Raptors (544,302).

Sa East guard group, nanguna si Atlanta Hawks’ Trae Young na may 443,412 boto, kasunod sina Brooklyn Nets’ Kyrie Irving (432,481) at Kemba Walker ng Boston Celtics (432,031).

Ang NBA All-Star 2020 team rosters ay pipiliin ng dalawang team captains sa isasagawang drafting. Pipili sila sa pool of players na nabotong starters at reserves mula sa bawat conference.

Ihahayag ang NBA All-Star Game starters, kabilang ang dalawang team captains, sa Enero 23.