MATAGAL na palang annulled ang marriage ni Derek Ramsay sa mother ng anak niyang si Austin Ramsay at si Atty. Joji Alonso ang naglinaw nito dahil may netizen na nag-comment ng “I hope Derek will be annulled legally para mas lalong masaya.”

Derek at Andrea

Maiksi kasi ang sagot ni Derek na “I am dear” at ang dating sa iba, baka ang gustong tukuyin sa sagot ay masaya siya sa love life niya ngayon.”

Kaya sumagot si Atty. Joji ng “Derek’s marriage has long been declared null and void” na sinagot ni Derek ng heart emoji.

‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19

Pumalag ang netizen at sinagot si Atty. Joji na wala siyang sinabing negative sa comment niya sa status ni Derek at tingin niya, masaya at kontento ito sa buhay.

Sagot ni Atty. Joji: “Yes po, nothing negative in your comment. I just wanted to clarify that when Derek replied “I am dear,” he wasn’t referring to his state of being happy. He was confirming the fact that he is no longer married to anyone. His marriage has not been annulled. That is an incorrect term. His marriage has been declared null and void. #Peace.”

Sa sinabing ito ni Atty. Joji, mas sumaya ang shippers nina Derek at Andrea Torres na may forever ang dalawa at sa kasalan magtatapos ang kanilang relasyon na ilang buwan pa lang ngayon.

Also, kinakalampag ng fans nina Derek at Andrea ang GMA-7 para bigyan na nang kasunod na project ang dalawa pagkatapos ng The Better Woman. May nagre-request pa nga na gumawa ng pelikula ang magdyowa.

-NITZ MIRALLES