POSIBLE bang magsama sina Vic Sotto at Vice Ganda sa pelikula na isasali nila sa Metro Manila Film Festival?

Vice Vic

Ito ang narinig naming sabi ng ilang senior citizens na nakapanood na pareho ng pelikula nang dalawang aktor na Mission Unstapabol: The Don Identity at The Mall The Merrier.

Base sa narinig namin, “Bakit hindi naman sina Vic at Vice ang magsama sa movie?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Napaisip din kami sa aming narinig, oo nga, bakit hindi? Nagsama na kasi sina Vice at Coco Martin sa mga pelikulang The Beauty and The Bestie (2015) at The Super Parental Guidance (2016).

Sina Vic at Coco ay nagsama sa pelikulang Jake m Popoy: The Puliscredibles na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival 2018.

Ang saya siguro at riot ang pelikula kapag nagsama ang dalawang host ng telebisyon, Eat Bulaga at It’s Showtime.

Nagbiro naman ang isa sa kasama ng grupo ng senior citizens, “e, bakit hindi na lang silang tatlo (Vic, Vice at Coco) ang magsama-sama para iisang pelikula na lang sila?

Ay mukhang malaking imposible kaysa sa posible ang gustong mangyari ni Nanay dahil may kanya-kanyang creative consultant ang tatlong bida at higit sa lahat, pareho sina Vice at Coco na on the spot ay binabago ang script depende sa mga eksenang kukunan. Paano naman si Vic? Okay ba sa kanya ang ganitong istilo?

Pero in fairness, natawa kami sa komentong narinig namin, huh?

Anyway, ang mga nabanggit na pelikula ay nasa top 4 sa kasalukuyang ginaganap na Metro Manila Film Festival 2019 at ia-anunsyo na ang final results ng ranking pagkatapos ng nasabing festival.

Malaki ang ibinaba naman ng kita ng mga pelikula ngayong MMFF 2019 kung ikukumpara sa mga nakaraang taon. Epekto siguro ito ng mahal na bayad sa sine at ang pagsasara ng maraming sinehan sa Visayas at Mindanao dahil sunud-sunod ang bagyo at lindol na naranasan doon.

Balita namin ay mahigit sa P650M total lang ang kabuuang kinikita ngayon ng walong pelikulang kasali sa MMFF 2019?

-Reggee Bonoan