DONAIRE VS INOUE: Kandidato bilang ‘Fight of the Year’.

DONAIRE VS INOUE: Kandidato bilang ‘Fight of the Year’.

GOOD JOB!

Ni Edwin Rollon

MAGANDA ang naging kampanya ng Pinoy boxers sa taong 2019. Sa pagtatapos ng taon, apat ang tinanghal na world champion na kinabibilangan nina Super WBA welterweight titlist Sen. Manny Pacquiao, IBF superflyweight king Jerwin Ancajas, WBO bantamweight ruler Johnriel Casimero at IBF minimumweight king Pedro Taduran.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa taong 2020, inaasahang mas magiging produktibo sa international scene ang local fighters at kung mahalikan ng suwerte, may anim na bagong world champion ang lahing Pinoy.

Tangan ng anim na Pinoy fighters ang pagiging mandatory challenger bilang No.1 sa kani-kanilang division sa pinakabagong ranking na inilabas ng international boxing bodies.

Sa pagtatapos ng taong 2019, hawak ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang pagiging No.1 challenger sa bantamweight ng World Boxing Council (WBC), habang si Albert Pagara ang No.1 challenger sa World Boxing Organization (WBO) superbantamweight.

Nangunguna naman si Michael Dasmarinas sa International Boxing Federation (IBF) bantamweight; si Giemel Magramo ang top contender sa WBO flyweight class; si Melvin Jerusalem sa WBC minimumweight at si Robert Paradero sa WBO minimumweight.

Kamakailan, ipinag-uotos na ang laban ni Donaire, 37, kay WBC bantamweight champion Nordine Oubaali ng France at ang deadline na ibinigay sa promoter para sa petsa, venue at premyo ay sa Enero 3. Galing sa matikas na laban si Donaire kontra sa walang talong si Naoya Inoue ng Japan nitong Nobyembre para sa World Boxing Super Series final sa Saitama.

Tangan ni Donaire ang ring record na 40-6, tampok ang 26 KOs.

Impresibo naman ang huling panalo ng 25-anyos na si Pagara kontra Thailand’s Ratchanon Sawangsoda nitong Agosoto sa Ormoc City para mahila ang karta sa 32-1, tampok ang 23 KOs. Dominante naman ang 27-anyos na si Dasmarinas sa kanyang 12-0 karta para mahila ang marka sa 30-2-1, kabilang ang 20 KOs. Hawak ni Inoue ang IBF crown sa naturang division. Naipanalo naman ni Magramo, 25, ang huling pitong laban, kabilang ang third round stoppage kontra Richard Claveras nitong Setyembre sa Taguig City. Si Magramo ang tanging Pinoy na kasama sa Top 10 ng limang major boxing bodies bilang No. 1 sa WBO, No. 3 sa IBF, No. 4 sa IBO, No. 5 sa WBC at No. 6 sa WBA. Ang kampeon sa WBO ay si Kosei Tanaka ng Japan.

Impresiboi rin sa kani-kanilang huling laban sina Jerusalem (15-2/9KOs), Paradero (18-0/12 KOs).

Inaasahan naman ang patuloy na pag-angat sa world ranking ng mga Pinoy fighters sa susunod na taon, kabilang ang tinaguriang ‘Ifugao Wonder Boy’ na si Carl Jammes Martin na tangana ng 15-0 marka.

Ikinatuwa ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagsirit ng Pinoy fighters sa world rankings, na aniya’y indikasyon sa maayos at de kalidad na mga laban na kinasasangkutan ng local fighters sa bansa at sa abroad.

“Kami sa GAB ay patuloy na nagbabantay para hindi tayo mapalusutan ng mga labang mismatch para sa ating mga Pinioy fighters. Ang mga local promoters, matchmakers at managers ay patuloy ding nakikiisa sa atin at nakikipagtulungan,” pahayag ni Mitra.