SWIM PROTEGEE! Ang mga batang kampeon mula sa Swim Pinas (mula sa kaliwa) Marcus Johannes De Kam, Jasmine Micaela Mojdeh, Jordan Ken Lobos, Jules Mirandilla at John Neil Paderes.

SWIM PROTEGEE! Ang mga batang kampeon mula sa Swim Pinas (mula sa kaliwa) Marcus Johannes De Kam, Jasmine Micaela Mojdeh, Jordan Ken Lobos, Jules Mirandilla at John Neil Paderes.

HINDI man nakahakot ng todo sa gintong medalya ang Pinoy swimmers sa 30th Southeast Asian Games, positibo ang pananaw ng swimming community, higit sa impresibong marka na nagawa sa taong 2019.

Sa record na nailathala ng SwimmingPinoy.com, naitala ng Pinoy swimmers ang kabuuang 48 na bagong Philippine National record, tampok ang 26 mula sa junior division. May kabuuang 80 record breaking feat din ang nairehistro bago ang bagong taon.

Pinangunahan nina homegrown age-group campaigner Jasmine Micaela Mojdeh (13-under), Ivo Nikolai Enot (13-under) at Desirae Mangaoang (16-18) ang mga junior national record breakers sa naitalang tig-tatlong bagong marka. Ang iba pang junior record holders ay sina Jaden Olson, Jerard Jacinto, Rian Tirol, Jean-Pierre Khouzam, Jazzlyn Pak (16-18); Jalil Sephraim Taguinod at Jeremiah Lhea Tandingan (14-15) at Hugh Antonio Parto, Alexi Kouzenye Cabayaran, Athena Shannessa Chang, at Liaa Margarette Amoguis (13 & Under).

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Nagningning si Mojdeh sa Palarong Pambansa, at ilang international tournaments, habang sina  Albren Jan Dayapdapan at Gabriel Angelo Jizmundo ay nagmarka sa 50m Breast (14-15) sa Batang Pinoy Nationals.

Nagawang mabura ni Mojdeh ang record sa Women’s 200m Fly (13 & Under) ng apat na ulit.

Ang mga senior national record holder ng 2019 ay sina Luke Gebbie, Jaden Olson, Jerard Jacinto, James Deiparine, Jarod Hatch, Joy Rodgers, Chloe Isleta, Nicole Oliva, Xiandi Chua, Remedy Rule at Jasmine Alkhaldi.

Naitala ni Alkhaldi ang limang bagong individual records, at tatlong relay records; habang may tatlo national mark si Gebbie.

Sa 47 na naburang record, ang Women’s 200m Fly event ay nalagpasan ng pitong ulit sa 2019 ni Remedy Rule, habang ang men’s 100m Free ay nabago ng limang ulit ni Luke Gebbie.

Umaasa ang pamunuan ng Philippine Swimming Inc. na mas determinado ang mga swimmers, higit at may qualifying event pa na masasalihan upang makasikwat ng slots sa 2020 Tokyo Olympics.