Aarangkada na muli ang prestihiyosong World Slasher Cup sa enero 20, 2020 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pinakaabangang 9-cock invitational international derby na kilala din bilang “Olympics of Cockfighting” ay magiging isang tribute sa dating legendary American Breeder at WSC pioneer na si Ray Alexander.

Si Ray Alexander ay nakilala sa mundo ng sabong dahil sa kanyang di matawarang ambag sa larangan ng nasabing sports.

Naging tanyag siya nang maibahagi niya ang “Gameness” ng panabong at ang tinatawag na bloodlines nito na siyang nagpapanalo pa sa kanya bilang Cocker of the Year sa Sunset, Indiana .

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Marami ring kilalang mga Pilipinong Sabongero ang nagwagi ng championships sa pamamagitan ng kanilang mga breeds at siyang nagkumbinsi sa mga American fighters na lumban sa Pilipinas upang matulungan din ang World Slasher Cup.

Bilang isa sa mga kinikilala hindi lamang pinakamagaling sa nasabing larangan ng sports, isa din si Alexander sa mga naging katuwang ng mWorld Slasher Cup upang makilala ang Pilipinas sa mapa sa karangan ng sabong.

Magbibigya pugay ang breeders ng iba’t ibang pinakmagagaling na bloodlines sa loob at labas ng bansa para kay Alexander gaya nina WSC 2 2019 champions Thunderbird 1 (Nene Araneta, Frank Berin), RC Warriors JD (Rey Cañedo at Jun Durano)WSC 1 2019 solo champs na si Cris Copas ng Kentucky, USA at ang partner na si Claude Bautista ng CPB Group of Mindanao.

Kabilang din sina WSC veterans at mag dating kampeon na sina WSC champ Patrick “Idol” Antonio, ang Escolin brothers, ang media man na si Rey Briones, Magno Lim, Gary Tesorero, at iba pa, upang magbigay respeto sa namayapang si Alexander