HINDI galing ang titulo ng aking artikulo sa 1982 Australian romantic drama film; sa halip, patungkol ito sa mga kaganapan, sa anumang porma, na dahilan kung bakit hindi naging kaaya-aya ang buwan ng Disyembre 2019.
Karamihan sa mga kaganapang ito, nakalulungkot isipin, ay naglalarawan sa politikal na direksyon ng ating bansa; habang ang iba ay nagbubukas ng ating isipan sa realidad na unti-unting sinisira ang mundo ng sarili nitong mga tagapangalaga. At hindi rin naman mawawala ang mga kaganapan na nagbigay buhay at nagtaas sa ating diwa.
Sa kabila ng tagumpay ng mga Pilipinong atleta sa katatapos lamang na SEA Games, nasundan ang sporting event na ito ng mga akusasyon ng kurapsyon, nang maisalin umano sa isang pribadong foundation ang pondong inilaan. Ang gawaing ito, totoo man o hindi, ay pumukaw sa kuryosidad ng mga Pilipino na puno ng pagnanais na malinis na ang duming sumisira sa pamahalaan.
Sa inaakala nating ligtas ang pera ng publiko, ang Kamara, ay walang bahid ng hiyang inihayag, ang magarbo nitong magbibigay ng P150,000 na bonus sa mga empleyado nito. Ang kalabisang ito ang gumigising sa atin sa realidad na ang mga ‘job order’ na empleyado ng pamahalaan ay nakatatanggap lamang ng kompensasyon na mas mababa sa kinikita ng basurero sa isang buwan at hindi pa tumatanggap ng Christmas bonus.
Meron pa. Muling nagpakawala ng akusasyon si Sen. Panfilo Lacson, na sa 2020 national budget, sa kabila ng pagkontra sa pagsisingit, ay napunan pa rin ng mga patagong pork barrel. Kung totoo man ito, ay malinaw na isa na naman itong panibagong kaso ng pagkawala ng pampublikong pondo.
Ngunit pinaka malala sa lahat ang naging pagbabanta ng pangulo ng paghahain nito ng kasong economic sabotage laban sa water concessionaries ng metro manila. Para sa mga contractors, ang bantang ito ay humantong sa pagkawala ng bilyon-bilyong dolyar sa loob lamang ng magdamag. Kasama ng bantang posibleng magpalit sa kanila kung mabibigo ang negosasyon ng mga contractor, lalong lumutang ang takot ng kakulangan ng tubig.
Nariyan din ang nakakamatay na lambanog na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 20 katao, ang protesta ng libu-libong rider ng Angkas, ang pagkamatay ng mga bilanggo na nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA) matapos makabalik sa Bilibid, at ang 6.9 intensity na lindol na tumama sa Davao del Sur.
Labas sa kaganapan ng SEA Games, isa pang malaking balita nitong na-karaang buwan ang resolusyon ng Maguindanao massacre. Tulad ng inaasahan, guilty ang naging hatol, ngunit malayo pa ito sa hinahangad na pagwawakas sa pagkamit ng hustisya. At pinakamasaya naman sa lahat, ang pagdiriwang ng Pasko, isang panahon para sa pagsasama-sama ng pamilya.
Hindi man nangyari ang mga bagay tulad ng inaasahan, marami pa rin tayong bagay na dapat ipagpasalamat dahil nalampasan natin ang pani-bagong taon ng pamumuhay ng mapanganib at ito ay sapat nang rason.
Samantala, bago magtapos ang taon, nanalasa pa ang bagyong ‘Ursula’ sa Visayas, partikular sa aking probinsiya at sa isla ng Boracay, na nagpapaalala sa atin na sa bawat kalamidad na nagiging mas malakas, malinaw na hindi maganda ang nangyayari sa ating kapaligiran.
Maligayang Bagong Taon!
-Johnny Dayang