LOS ANGELES — Patuloy na namamayagpag ang koponan ng Los Angeles Lakers matapos nitong pataobin ang Phoenix Suns, 117-107 kamakalawa.

LJ

Isang triple-double ang pinakalawang ni LeBron James sa kanyang 31 puntos, 13 rebounds at 12 assists para sa Lakers.

Naging katuwang naman ni James si Anthony Davis na may 26 puntos at 11 rebounds.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Buhat sa 36 puntos na pagkakalugmopk, nagawang makahabol ng suns sa ikaapat na yugto kung saan natapyas sa pitong puntos ang kalamangan ng Lakers.

Dito ay muling nagsimulang umarangkada ang Lakers nang siguruhin ng mga puntos ni James ang panalo kasama ang 24-5 run na siyang nagselyo sa panalo.

Nagbigay din ng kanilang ambag sina Kyle Kuzma na may 19 puntos na tinipa at si Avery Bradley na may 18 puntos.

Sina Devin Booker at Kelly Oubre Jr. naman ay may tig 32 puntos at 26 ayon sa pagkakasunod para sa Phoenix Suns.