Dalawang oras bago magsimula ang ensayo ng Barangay Ginebra San Miguel may sarili nang ensayong isinasagawa ang veteran forward nito na si Joe Devance upang praktisin ang kanyang shooting.
Buhat sa mga pull up jumpers hanggang sa fade away shots nito, ginagawang lahat ni Devance maibalik lamang ang ritmo ng kanyang laro matapos siyang hindi makapaglaro ng ilang mahahalagang laban para sa Ginebra sa elimination round at playoffs para sa PBA Governors’ Cup.
“Talagang pang-finals ‘yan si Joe e,” pahayag ni ng pointguard ng koponan na si LA Tenorio habang pinapanood si Devance sa ensayo.
Nakatakdang kaharapin ng Ginebra ang koponan ng Meralco sa ikatlong paghkakataon sa apat na taonng Governors’ Cup finals na magsisimula ngayong Martes ng susunod na linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Nagharap na din ang Kings at Bolts noong mga taong 2016 at 2017, sa kaparahong kumperensya.
Sa kasamaang palad, nagtamo ng knee injury si Devance sa simula pa lamang ng kumperensya at ang kanyang kawalan ng koponan ay nagbigay lamang ng limitadong line-up para kay Ginebra mentor Tim Cone upang paikutin ang kanyng mga lanlalaro.
Sina Japeth Aguilar, Greg Slaughter at ang bihirang gamitin na sina Prince Caperal at Raymond Aguilar angs iyang naging sandalan ni cone sa kawalang ni Devenace.
Ngunit pilit na bumawi si Devance upang makabalik sa labanan gaya ng inaasahan.
“I’m getting there. I don’t know how many percent but I’m doing a lot better than two weeks ago, three weeks ago, a month ago. I’ve been doing two-a-day for like he last month so last week was actually really, really tough,” pahayag ni Devance.
“I had no legs, but now I’m going to try to slow it down a bit and just really focus in getting up shots. I’m hoping by Game 1,” aniya.
“I’m ready for the series. I don’t know how many minutes I’ll play, or if I’ll play at all. It’s still up to coach Tim. I’ve been practicing for over a month already. It’s about me having game rhythm… having game rhythm is different from just practice and stuffs like that,” dagdag pa ni Devance.
-Waylon Galvez