Kasunod ng tagumpay sa kampany ng bansa para sa karaang 30th Southeast Asian Games, naging matunog ang panaglan ni Marck Espejo na siyang isa sa naging sandalan ng koponanan ng Men’s volleyball team na nakakuha ng silver medal.

Dahil dito ay nahilingan si Espejo na maglaro bilang import sa isang koponan na Visakha Volleyball Club sa isang liga sa Thailand.

Naglaro si Espejo bilang import sa ikalawang pagkakataon kung saan dati siyang naglaro sa koponan ng Oita Miyoshi, kung saan naglalaro ang teammate na si Bryan Bagunas.

“Before nung game, may pinasa saking article. Siguro Thailand na rin naglabas. Maglalaro ako sa isang Thai club, Visakha,” pahayag ni Espejo sa isang panayam.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Masayang masaya naman si Espejo sa nasabing bagong pagkakataon na dumating para sa kanya bilang isang volleyball player.