PRAYORIDAD ng Philippine Sports Commission ang paghahangad ng ‘elite athletes’ na nakasikwat nang slots sa 2020 Tokyo Olympics, ngunit hindi naisasantabi ng PSC ang programa para palawakin at palakasin ang grassroots level.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kahit ibinuhos ng ahensiya ang pondo sa paghahanda ng may 1,115 miyembro ng national team, tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng grassroots sports program tulad nang pagdaraos ng tatlong Qualifying Legs ng Batang Pinoy.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon, nakamit ng Baguio City ang overall championship sa natataging sports development program na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Agosto.

Wala ring humpay ang isinasagawang educational seminars at sports clinics ng Philippine Sports Institute (PSI), gayundin ang school-based tourney at Indigenous Games.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PSC sa United States Sports Academy at sports institutes sa Australia, Cuba, China, South Korea, Russia at Spain sa adhikain na mas palakasin ang PSI program.

Suportado rin ng ahensiya ang 2019 Palarong Pambansa na ginawa sa Davao City noong Abril 30 at pinalakas ang ugnayan sa Department of Education, Commission on H¬igher Education at Department of Interior and Local Government at iba’t ibang Local Goverment Units (LGUs) para palakasin ang grassroots development program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Aktibo rin ang PSC sa Women on Sports ni commissioner Celia Kiram at PSC Para Games ni Commissioner Arnold Agustin.

Matapos ang mata¬gumpay na hosting ng bansa sa 30th SEA Games, nagpasalamat si Ramirez sa sambayanang Pilipino, sa mga atleta at sports officials na nakiisa at gumabay sa layunin na mapagtagumpayan ang biennial meet hosting.

Nakamit Team Philippines ang ikala¬wang overall championship sa apat na pagkakataon na maging host ng biennial meet sa napagwagihang 149 ginto, 117 silver at 119 bronze medals.

Nakopo ng National Team ang unang titulo noong 2005 at nagkataong ang PSC chairman noon ay si Ramirez din mismo.

“You all made us proud. Salamat sa inyong sakripis¬yo, tiyaga at pagpupursige. All your hard work and achievement produces more than just medals. It lifted the spirit of a national hungry for inspiration and hope. It awakened the spirit of patriotism,” pahayag ni Ramirez.

Dahil sa tagumpay, naniniwala ang lahat na magpapatuloy ang galing ng mga atletang Pilipino hanggang sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Kaugnay nito, sinabi ni Ramirez na handa na ang Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) na tumulong ng P100 million para sa kampanya ng mga Filipino athletes sa 2020 Olympiad alinsunod sa pangako ni Pres. Duterte noong Dis-yembre 18 sa pagbisita ng mga SEA Games meda¬lists sa Malacañang.

Sa ngayon, sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlo Yulo pa lamang ang nakasiguro na ng slots sa Olympics. Ngunit, inaasahan na makakapasok din sina weighlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, karateka Junna Tsukii at boxers Nesthy Petecio at Eumir Marcial.

Ang iba pang proyekto na pangungunahan ng PSC sa susunod na taon ay ang pagdaraos sa 2020 Asean Para Games sa New Clark City sa Marso.

“That’s why we have to hold it in March next year because by then maybe we have the budget already for the Asean Para Games. We need at least P400 million for this pr¬o-ject,” ayon kay Ramirez.