MULING humataw si Sen. Manny Pacquiao sa naitalang double-double para pangunahan ang MP All-Stars sa 101-91 panalo kontra sa Edmonton All-Stars sa Chooks-to-Go-Mahar¬lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Canada Invasion kamakailan sa Edmonton Expo Center.

Hataw ang eight-vision world champion ng 33 puntos at 10 rebounds na may kasamang pitong assists at dalawang steals para sa ikalawang panalo ng MP All-Stars matapos ang kanilang 116-99 pa¬nalo laban sa Team Casey Calgary noong Biyernes sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary.

Kumonekta pa ng back-to-back triples ang 8-division world boxing champion para mapigilan ang huling ratsada ng Edmonton Stars tungo sa ma¬laking panalo sa dalawang araw na MPBL games sa North America.

Bukod kay Manny, nagpasiklab din ng 26 puntos at apat na rebounds ang kanyang bunsong kapatid na si Rep. Bobby Pacquiao.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman