FOUR months na na-miss ng mga batang fans ni Ms. Gloria Romero o si Lola Goreng sa fantasy-drama anthology na Daig Kayo ng Lola Ko every Sunday, sa GMA Network. Kaya tiyak na ikagagalak nilang malaman na babalik na muli ang kanilang Lola Goreng simula sa Linggo, January 5, 2020.

Gloria Romero 123119

Pansamantalang nagpahinga si Tita Glo, sa utos ng kanyang doctor, nang muling atakehin siya ng kanyang vertigo. Pero patuloy ang kanyang serye, pinalitan lamang muna siya pansamantala ni Ms. Nova Villa as host at sa last two episodes na replay, pinalitan naman muna siya ni Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo.

Ngayon ay pwede nang magtrabaho muli si Tita Glo, who at 86 years old ay kaya pa raw niya. Kaya last Monday, December 30, nagsimula na siyang ma g - t a p i n g p a r a sa first episode for 2020. At para hindi siya masyadong mapagod, lahat ng mga eksenang nagkukuwento siya kasama ang kanyang mga apo, ay doon nag-set-up at nag-shoot sa kanyang bahay sa New Manila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At para sa mga followers ng Anak TV awardee na “Daig Kayo ng Lola Ko” ay extended pa sila hanggang sa first quarter of 2020.

Mapapanood ang “Daig Kayo ng Lola Ko” sa first episode for 2020, ang Sa Ilalim ng Buwan” sa Sunday, pagkatapos ng The Amazing Earth.

-Nora V. Calderon